Tumataas ang bilang ng mga babaeng buntis na mayroong HIV-AIDS. Sa datos na nakuha ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy, chairman ng House committee on women and gender equality, 224 buntis ang mayroong HIV mula 2011 hanggang 2017. Sinabi ni Dy na mahalaga na mabigyan ng intervention program ang mga buntis na may HIV sa pamamagitan ng Department of Health at Department of Social Welfare and Development. Noong Disyembre 2017, walong buntis na babae ang nagpositibo sa HIV—apat na kaso sa National Capital Region, at tig-isa sa Region 3, 4-A, 6 at 7. Ang edad ng mga ito ay nasa pagitan ng 15-48. Mula 2011 hanggang 2017, 224 buntis na may HIV, 56 porsyento (125 buntis) ang nasa edad na 15-24 taong gulang, at ang 38 porsyento (85) ang nasa age group na 25-34. Ang National Capital Region ang mayroong pinakamataas na kaso (50 porsyento), na sinundan ng Region 7 (24 porsyento) at Region 4A (9 porsyento). Sinabi ni Dy na dapat ay mapaigting ang kampanya ng gobyerno laban sa pagkalat ng HIV. “Single and married women must be armed with information and the various means of personal defense and treatments versus HIV. 1,733 HIV-infected females from 2012 to 2017 is still a significant number although the infection figures for the males is much higher,” ani Dy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.