Horoscope, March 06, 2018 | Bandera

Horoscope, March 06, 2018

Madam Sophia |March 06,2018
facebook
share this

Horoscope, March 06, 2018

Madam Sophia - March 06, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kahit may malaking gastusin, maglaan ng salapi para sa pag-iipon. Isipin mo, baka ang mangyari masaya ka nga ubos naman ang iyong pera. Sa pag-ibig, kung sino ang magbigay ng regalo na kulay “green or red” siya ang tunay na nagmamahal sa iyo. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Qui-Benit.” Red at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Panatiliin ang pagiging humble, upang lalo pang magdagdagan ang income. Sa pag-ibig, kunwari mas magaling sa ‘yo ang iyong kasuyo, kahit hindi naman upang mapalapit ng husto ang loob nya sa ‘yo. Mapalad ang 9, 18, 27, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Perfer-Et-Obdura-Obdura-Et-Perfer.” Red at violet ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Magpasalamat ka sa mga taong tumutulong sa ‘yo! Panahon na upang abutan ng kaunting halaga ang mga ito o kaya’y regalo. Sa ganyang paraan tuloy ang dating sa iyo ng biyaya at magagandang kapalaran. Sa pag-ibig, sa pagiging mabait at mabuti makakatagpo ka rin ng true love. Mapalad ang 1, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Una-Salus-Salus-Una.” Pink at yellow ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa negosyo, umpisahan nang mangalakal sa ibat-ibang lugar. Sa pag-ibig paghandaan ngayon pa lang ang paglalakbay sa mga lugar na malapit sa nature. Mapalad ang 7, 19, 27, 35, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nulli-Secundus-Nulli-Secunda.” Yellow at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Bakit hindi mo magawang ipatupad ang magagandang balak upang lumago ang kabuhayan? Now na, kumilos ka na agad! Sa pag-ibig, kumbinsihin ang kasuyo sa isang venture na kikita kayo ng malaking halaga. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Cras-Credemus-Credemus-Cras.” Green at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Iwasan ang ugaling mahilig manghingi. Mas kikita ng malaking halaga kung tatayo ka sa sarili mong mga paa ng walang ibang inaasahan. Sa pag-ibig, wag bigyan ng sama ng loob ang kasuyo, sa muli ninyong pagtatagpo – halikan mo siya sa lips! Mapalad ang 1, 13, 25, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aut vincer aut mori.” Yellow at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Ang pagkilos na mabagal ay hindi magdadala ng tagumpay. Bilisan ang pagiipon ng pera at bilisan mo rin na matapos na agad ang mga gawain upang may bagong dagdag na oportunidad na dumating. Sa pag-ibig, kapag nag-init ang kasuyo sunggaban agad. Mapalad ang 5, 18, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Viam-Inveniam-Faciam”. Green at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Unahing pakisamahan ang mga taong nakapaligid sa ‘yo, sa kanila ka humuhugot ng saya at lakas. Sa pag-ibig, pasalubungan ng mamahaling cake ang kasuyo, upang matuwa naman siya sa iyo. Mapalad ang 2, 7, 10, 19, 30, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Quando-Et-Cui-Cui-Et-Quando.” Blue at beige ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Kahit maraming mga biyayang dumarating wag na wag mong kalilimutang ang pag-iipon ang sure na paraan patungo sa masaganang kinabukasan. Sa pag-ibig, tuloy ang masaya at matamis na relasyon habang parang tuta na sunod pa rin sa iyo ng sunod ang kasuyo. Mapalad ang 1, 18, 28, 38, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Crede-Quod-Habes-Et-Habes.” Green at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Upang mas madaling pumasok ang suwerte, paliwanagin ang buong paligid. Lagyan ng ilaw ang mga bahagi ng bahay na madilim. Sa pag-ibig, lalong sasarap ang romansa kung gagamit ng ilaw na kulay pula. Mapalad ang 8, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Cineri-Gloria-Sera-East.” Bukod sa pula mapalad ang violet.

Capricorn – (December 22 – January 19)—waksi ang kayabangan! Sa pagpapakumbaba, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, hayaang ang istilo ng kasuyo ang matupad. Mapalad ang 4, 14, 17, 29, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dimidium-Facti-Qui-Habet.” Blue at brown ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Panatiliin ang pagiging palangiti at masaya. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon kung patatawanin ang kasuyo. Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Hahalakhak ako sa daigdig. Ako’y magwawagi. Ako’y mananaig!” Red at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Mabilis talagang maubos ang pera, kaya konting tipid muna at bago gumastos, unahin mo na ang pag-iipon! Sa pag-ibig, matamlay ang kasuyo, abutan siya ng malaking halaga upang siya ay sumaya at sumigla. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong manrta: “Bis-Vincit-Que-Victoria-Vincit.” Gold at white ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending