Maselan ang dahilan ng break-up nina KC at Aly...parang yung sa kanila ni Piolo!' | Bandera

Maselan ang dahilan ng break-up nina KC at Aly…parang yung sa kanila ni Piolo!’

Julie Bonifacio |March 05,2018
facebook
share this

Maselan ang dahilan ng break-up nina KC at Aly…parang yung sa kanila ni Piolo!’

Julie Bonifacio - March 05, 2018 - 12:01 AM


PILIT na ipinagkukumpara ang kaseksihan ng makaibigang Judy Ann Santos at KC Concepcion sa social media.

Ipinost ni KC ang piktyur nila ni Juday na naka-bathing suit habang pinapahiran siya ng lotion ng aktres at ang non-showbiz friend nito.

Say ng isang follower ni KC, mas payat daw si Juday kesa sa kanya at sana raw imbitahan ng Mega Daughter ang aktres kapag nag-workout siya.

Comment naman ni @itsmeglance, “‘Di bale ng mas mukhang payat si Juday kaysa kay KC pero sa mukha naman, ganda, kutis at talino walang-wala siya kay KC.”

Ayon naman kay @mai_mai_manalo, “Nakakaloka mga tao, why you guys need to compare them? Na kesyo mas payat pa si Judy Ann kay KC. Ang hirap sa ibang Pilipino issue talaga ang built ng katawan. Why don’t u just be happy for them, na masaya sila sa kanilang friendship.

“Hindi mga built nila pinapakita dito kungdi real friendship goals. Iwasan po natin mamuna ng iba, sarili muna natin un tignan natin. Just saying…peace be with y’all.”

Sa kabila nang pamba-bash ng iba, marami pa rin ang nakyutan sa friendship nina Juday at KC. Gaya ni graciebhing na nag-post ng kanyang comment na, “I just loved your friendship @officialjuday and Miss @itskcconcepcion, beautiful people inside and out..God bless you both.”

Na-curious naman kaming basahin ang comment ng ilang followers ni KC sa kanyang Instagram tungkol sa boyfriend (or ex-BF) niyang si Aly Borromeo.

Medyo maselan daw and cannot disclose the info kung ano ang naging rason nang break-up nila ni Aly.

Marami tuloy ang nag-react na followers tungkol dito at gustong malaman kung ano talaga ang dahilan ng hiwalayan nila.

Comment ni etivacian_arnaldo@ritchvk17, “I will let you know once I confirmed the whole issue. For the moment let’s pray for them.”

Pero may nag-post din ng kanyang comment na ang reason daw ng hiwalayan nina KC at Aly ay kapareho rin ng dahilan ng break up ng dalaga at ni Piolo Pascual.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oh, well, whatever the reason is kung bakit nag-split na sina KC at Aly mukhang naka-recover na rin naman ang anak ni Megastar Sharon Cuneta. Nali-link ang Fil-Swiss model na si Devon Spencer kay KC ngayon. Si Devon na kaya ang lalaking papakasalan ni KC?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending