Sikat na aktres may nakaka-bad trip na ugali kaya iniiwan ng mga lalaki | Bandera

Sikat na aktres may nakaka-bad trip na ugali kaya iniiwan ng mga lalaki

Cristy Fermin |March 05,2018
facebook
share this

Sikat na aktres may nakaka-bad trip na ugali kaya iniiwan ng mga lalaki

Cristy Fermin - March 05, 2018 - 12:15 AM


AYON sa aming impormante, isang araw ay la-labas din ang katotohanan na hindi makakayanan ng karelasyon ngayon ng isang pamosong aktres ang kakaiba niyang ugali, susuko rin ang lalaki.

Sa simula ay maganda ang takbo ng pakikipagrelasyon ng aktres, kulay rosas ang paligid nila ng kanyang boyfriend, pero kapag nakakailang buwan na sila ay du’n na lalabas ang paiba-ibang takbo ng utak ng female personality.

Komento ng aming source, “Hapawin n’yo nang lahat ang mga nakarelasyon niya at isa lang ang sasabihin nila, mahirap sakyan ang ugali ng girl. Palagi namang okey sila sa umpisa, di ba?

“Pero kapag nakakailang buwan na sila, e, ‘yun na! Lumalabas na ang totoong ugali ng babaeng ‘yun! So, dahil hindi na nga siya makayang sakyan ng guy, tapos na ang relasyon nila!” sabi ng aming impormante.

Mahirap daw pakibagayan ang ugali ng magandang aktres, meron siyang kakaibang ugali na mahirap sakyan ng kahit sino, lalo na ng kanyang karelasyon.

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! May date sila ng boyfriend niya, alam niya naman ang oras kung kailan siya susunduin ng boyfriend niya, pero natutulog pa siya!

“Pagdating ng guy sa house niya, e, saka pa lang siya gigisingin. E, gaano siya katagal mag-prepare? Speedy bagal pa naman siyang kumilos, ang dami-dami pa niyang ritwal sa katawan niya!

“So, ang lalaki, halos makatulog na sa kahihintay sa kanya! Pag paalis na sila, e, parang gusto nang umuwi ng lalaki dahil naburyong na sa paghihintay sa kanya!

“Bumibida siya sa pelikula, pero kontrabida naman siya sa totoong buhay. Di ba, nu’ng magbakasyon sila ng boyfriend niya sa ibang bansa na kasama ang family ng guy, e, du’n na hindi nakapagpigil ang lalaki?

“Paano naman, napakagandang bonding time na sana nu’n para sa kanila, pero kapag paalis na sila sa hotel, e, biglang magtatamad-tamaran ang girl, hindi na lang daw siya sasama?

“O, di napuno na sa kanya ang guy, nagbabu na talaga sa kanya! Kaya ‘yung boyfriend niya ngayon, naku, hindi rin ‘yun makatatagal sa kanya. Iba ang ugali ng babaeng ‘yun, sa totoo lang!” dagdag pa ng a-ming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo kung sino ang babaeng ito, pramis! Wala siyang pakpak!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending