OFW na may HIV dumarami | Bandera

OFW na may HIV dumarami

Leifbilly Begas - March 04, 2018 - 03:49 PM
Patuloy umanong tumataas ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahahawa ng nakamamatay na HIV-AIDS.     Ayon kay Kabayan Rep. Ron Salo mula sa 92 noong 2005 ay 814 OFW ang nahawa ng HIV noong 2017.     Noong 2016 ang OFW na nahawa ay 671, noong 2015 ay 680, 2014 ay 650, 2013 ay 508, 2012 ay 342, 2011 ay 271, 2010 ay 174, 2009 ay 164, 2008 ay 122, 2007 ay 106, at noong 2006 ay 130.     Mula 1984 hanggang 2017 ay 50,725 kaso ng HIV ang naitala at sa naturang bilang ay 5,453 ang OFW na karamihan ay sanhi ng man-to-man transmission.       Sinabi naman ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, isa sa may-akda ng panukala na bagamat mahalaga ang pagtutok sa kaso ng Dengvaxia, dapat ay huwag ding kalimutan ng Senado ang pangangailangan na maipasa na ang batas na magpapalakas sa kampanya ng gobyerno laban sa HVI-AIDS.     “With the rising number of HIV cases in our country, it is now apparent that we not only limit our concerns to Dengvaxia,” ani Vargas.       Ayon kay Vargas hindi na dapat maghintay na lumala pa ang problema. “Health department data shows high incidence of deaths due to AIDS. It is about time that we put prioritization on measures that will strengthen our government’s policy on HIV prevention.”       Naaprubahan na ang Kamara ang House bill 6617 noong Disyembre 4. Sa Senado ay nasa period of interpellation pa lamang ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending