Enrique kay Liza: Mahalin mo lang ako forever, wag mo lang akong iwan! | Bandera

Enrique kay Liza: Mahalin mo lang ako forever, wag mo lang akong iwan!

|March 04,2018
facebook
share this

Enrique kay Liza: Mahalin mo lang ako forever, wag mo lang akong iwan!

- March 04, 2018 - 12:01 AM

 


KILIG na kilig ang LizQuen fans sa mga naging pahayag ni Enrique Gil patungkol sa relasyon nila ngayon ni Liza Soberano.

Sa panayam ng Tonight with Boy Abunda, natanong ang binata kung ano ang nais niyang matanggap na birthday gift mula kay Liza. Nag-isip muna ang aktor sabay sabing, “Mahalin mo lang ako forever. ‘Wag mo lang ako iwan.”

Siyempre, tilian ang nasa studio ng TWBA. Nagpalakpakan ang mga fans sa sobrang kilig sa sinabi ni Enrique. Patunay daw ito na talagang mahal na mahal ng binata ang kanyang ka-loveteam.

Natanong din siya kung boto ba ang kanyang mommy kay Liza at kung magkasundo ba ang dalawang mahalagang babae sa buhay niya. Sagot ni Quen, “Magkakampi nga sila e. Minsan nagkakampihan tapos ako yung sinesermonan.”

Ilan pa sa mga bagay na ibinuking ng aktor tungkol kay Liza ay ang pagiging mahiligin nito sa hayop. Gusto nga raw nitong magkaroon ng pet monkey at pet pig. At alam n’yo ba na may fear factor ang dalaga sa barbie doll?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending