Claudine isinugod sa ospital, nalaglag sa hagdan | Bandera

Claudine isinugod sa ospital, nalaglag sa hagdan

|March 04,2018
facebook
share this

Claudine isinugod sa ospital, nalaglag sa hagdan

- March 04, 2018 - 12:25 AM

 

CLAUDINE BARRETTO

ISINUGOD na naman sa ospital si Claudine Barretto matapos maaksidente nitong nakaraang weekend.

Ipinost ng aktres ang kanyang litrato sa Instagram na kuha sa kanyang hospital bed habang naka-dextrose.

Caption niya sa kanyang photo: “Hay naku, back to the ER. Had an accident. I slipped and fell down the stairs. Super low blood my Palangas.

“I fainted and fell. But I’m being well taken cared of here at the hospital. God bless you all my Claudians and CLAUDINATICS,” mensahe pa ni Claudine.

Maraming nagkomentong followers ng aktres ang nag-alala sa kanyang kalagayan. Sinabihan siyang mag-ingat nang bonggang-bongga lalo na sa pag-akyat at pagbaba sa hagdan at iba pang matataas na lugar.

May nagsabi naman na parang nagiging bahay na rin ni Claudine ang ospital dahil palagi na lang siyang nako-confine. Hindi raw magandang pangitain ito para sa aktres kaya tripleng pag-iingat ang dapat niyang gawin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending