Yassi Pressman, Coco Martin magdyowa na ba? | Bandera

Yassi Pressman, Coco Martin magdyowa na ba?

Reggee Bonoan |March 04,2018
facebook
share this

Yassi Pressman, Coco Martin magdyowa na ba?

Reggee Bonoan - March 04, 2018 - 12:10 AM

YASSI PRESSMAN AT COCO MARTIN

SA nakaraang presscon ng pelikulang “Ang Pambansang Third Wheel” na pinagbibidahan nina Sam Milby at Yassi Pressman ay inamin ng huli na wala sa plano niya ngayon ang magkaroon ng karelasyon.

Inamin kasi nang harapan ni Sam na crush niya si Yassi pero hindi ibig sabihin ay gusto na niya itong ligawan. Sa ngayon daw ay gusto muna niyang mag-focus sa career niya pagkatapos nilang maghiwalay ng ex-girlfriend niyang TV host/vlogger/model.

Natanong si Yassi kung may pag-asa ba si Sam sa kanya kung sakaling manligaw, “Wala pa po ang mindset ko sa ganu’n ngayon kasi tuluy-tuloy pa rin po ang taping namin sa Ang Probinsyano kaya rin po natagalan bago namin ilabas itong pelikula so, hindi pa po siguro ngayon.”

May nag-react na parang sinabi na rin ni Yassi na “basted” na si Sam sa kanya dahil sa presscon ng kanilang pelikula ay kaagad nitong sinagot na wala sa isip niyang mag-dyowa pagkatapos aminin ng aktor na crush siya nito.

“Hindi naman po sa ganu’n, giver po kasi ako, gusto ko kasi now, 100 percent ang ibibigay ko sa family ko, sa work ko po, 100 percent din, so pag nagmahal ako ngayon, baka mahati (ang atensyon), e, gusto ko, buong 100 din ang maibibigay ko sa (magiging boyfriend),” paliwanag mabuti ng aktres.

Tinanong namin ang dalaga na baka pagkatapos ng Ang Probinsyano ay puwede na siyang ligawan, “Hindi ko po masabi kasi as of now po talaga ay wala kaming alam kung hanggang kailan ang show tapos may gagawin pa po ulit akong movie sa Viva, so wala po akong masagot pa at hanggang kailan po ba matatapos ang Probinsyano?” natawang tanong sa amin ng aktres.

Binalikan namin ng tanong ang aktres kung hanggang kailan nga ba ang aksyon serye nila ni Coco Martin kasama ang magagaling na artista.

“Hindi ko po alam kasi depende po yata sa ratings or sa management po,” pakli ni Yassi.

Sabi namin, hanggang Hulyo ay naka-block ang lahat ng artista sa Probinsyano, sa madaling salita, hanggang ngayong taon na lang ang programa.

“Hindi ko po alam kung ano na ang final, kasi sa ngayon sobrang happy kami sa response at marami pa kaming nakaplanong kuwento,” sabi ulit ni Yassi.

q q q

Samantala, natawa lang si Yassi sa tanong kung sila na ba ni Coco, “Ha-hahaha! Sino po nagsabi, hindi po ‘yun totoo. Saka mabait lang po talaga si Coco sa aming lahat, sa ngayon po close kami ni Coco at hindi naman siya nagbago ng pakikitungo sa amin.”

Going back to “Ang Pambansang Third Wheel” ay ano ba ang ibig sabihin ng “third wheel” para kay Yassi.

“Ang isang third wheel po ay isang taong laging kasama ng couple friends or kung saan man siya napapasama kasi wala siyang natatawag na sarili niyang love (partner).

“Kaya sumasama siya sa barkada niya at siya ang taga-decide kung saan kakain, taga-picture ng couple photos, siya ‘yung laging naghihintay lang ng sarili niyang love. Magkaiba po ‘yung third party sa third wheel,” paliwanag niya.

At ganito ang karakter ni Yassi sa pelikula nila ni Sam na laging nai-in love pero hindi nagtatagal ang relasyon niya kaya nauwi siya sa third wheel.

Pero nang makilala at maging sila na ni Sam ay feeling ni Yassi sinuwerte na siya dahil single at available ang binata, pero sa huli ay nakilala niya ang anak nito na ginagampanan ni Alonzo Muhlach, kaya lumabas na third wheel pa rin ang dalaga.

Sa trailer pa lang ng “Ang Pambansang Third Wheel” ay riot na ang mga eksenang napanood namin, at siniguro nina Sam at Yassi na mag-eenjoy ang lahat sa kanilang pelikula na idinirek ni Andrew Ivan Payawal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y mula sa Viva Films at line produced ng IdeaFirst Company na mapapanood na simula sa Marso 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending