John Lloyd naging liberated matapos halikan si Luis | Bandera

John Lloyd naging liberated matapos halikan si Luis

- September 02, 2009 - 03:40 PM

PINURI-PURI ng entertainment press si John Lloyd Cruz sa solo presscon niya para sa pelikulang “In My Life” kasama sina Gov. Vilma Santos at Luis Manzano dahil kahit na masama ang pakiramdam ng aktor ay mahusay pa rin siyang sumagot at hindi nakitaan ng pagkairita.
Masaya ang mood ni Lloydie nu’ng makatsikahan namin, sa katunayan ay game niyang sinagot ang lahat ng isyu sa kanya. Bumilib din kami sa actor dahil nu’ng kunan siya ng pahayag tungkol sa naging attitude ni Luis sa press tungkol sa break-up nila ni Angel Locsin. Ipinagtanggol ni John Lloyd si  Luis, “Baka kasi mahirap talaga ‘yung pinagdadaanan niya. Ako siyempre, naiintindihan ko siya.”
Hindi naiwasang ikumpara sina Lloydie at Luis dahil kaka-break din lang nina Luis at Liz Uy, pero hindi nakitaan ng pagkairita o kagaspangan ang aktor sa pagsagot sa mga tanong ng press.  “I cannot speak for them, especially for my friend, Luis.
“Pero ako, sa mga tao naman, sa inyo, nu’ng nangyari sa akin ‘yan, humingi lang ako ng respeto, ng time na pagdating ng panahon, masasagot ko nang mas diretso ‘yan, mas malinaw, na walang paliguy-ligoy. And sa inyo naman, madali naman kayong umintindi, pag humingi sa inyo, pag humiling sa inyo, nirerespeto n’yo rin naman,” say pa sa amin ng actor.
Kami mismo ang nagsabi kay John Lloyd na medyo iritableng sinagot ni Luis ang tanong namin tungkol sa break-up nila Angel. “Well, I regret to hear that, na hindi ganu’n ang naging approach. Pero siyempre, iba-iba naman kami.”
At dahil sila ni Luis ang magka-loveteam sa “In My Life”, tinanong namin ang tungkol sa kissing scene nila. “Alam mo ba ‘yung feeling na nanakit ‘yung batok tapos umakyat ‘yung buhok sa ulo ko, parang pagkatapos ng eksena, e, naging liberated na ako, kasi sa Brooklyn, liberated mga tao du’n, so feeling ko, liberated na ako at kaya ko nang harapin ang lahat,” pagkukuwento ng aktor.
Natawa si John Lloyd sa comment na maganda ang chemistry nila ni Luis, “At least, hindi lang sa babae ako nakitaan ng magandang chemistry, maski pala sa lalaki.”
Pero no gay roles muna for Lloydie sa next projects niya dahil aniya, “Magpapahinga muna ako.”
Samantala, sa Sept. 16 na ang showing ng “In My Life” at umaasa ang actor na magkakaayos na ang Star Cinema at SM Cinemas para maipalabas na rin ang nasabing pelikula sa mga nasabing sinehan.

Reggee Bonoan, BANDERA Entertainment, September 2, 2009

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending