Kilalang aktres ayaw mag-acting workshop: Magaling na po ako! | Bandera

Kilalang aktres ayaw mag-acting workshop: Magaling na po ako!

Reggee Bonoan |March 03,2018
facebook
share this

Kilalang aktres ayaw mag-acting workshop: Magaling na po ako!

Reggee Bonoan - March 03, 2018 - 12:15 AM

NANLAKI ang mga mata namin sa kuwento ng aming source tungkol sa aktres na feeling magaling na sa pag-arte kaya ayaw na niyang mag-workshop.

Simulang sabi ng aming kausap, “Hindi siguro alam ng mga artista na kaya sila pinapa-workshop ng management o ng direktor ng programa o pelikulang kinabibilangan nila ay dahil nakukulangan sa acting nila.

“Siyempre, hindi naman kasi iyon sinasabi sa artista na, ‘oy kulang ang acting mo, need mo mag-workshop.’ Walang ganu’n kasi bilang respeto rin naman sa kanila.

“Kaso itong si _____ (aktres) akala niya siguro hindi na niya kailangang dumaan sa workshop kasi nga naman marami na siyang naging serye at pelikula plus bida pa siya parati, so maski sino hindi mag-iisip na may kulang pa rin sa kanya.

“Sumuko sa kanya ‘yung kilalang nagtuturo ng acting workshops kasi imbes na sumunod, sinabihan siya ng, ‘alam ko na po ‘yan direk, okay na ako, kain na lang tayo, magpapabili ako ng food.’

“Naloka siyempre ‘yung nagtuturo kasi sa mismong harap ng direktor niya sa movie, sinabihan siya ni ____ (aktres) ng ganu’n, kaya ginawa niya, nag-walk out siya at maski na anong pakiusap nu’ng direktor, dinedma niya.

“Katwiran niya kasi, ‘pinakiusapan na nga lang ako na i-workshop siya, iyon pa ang napala ko.’ Kaya ngayon iniiwasan na siya ng lahat kapag may schedule ng workshop para sa mga artista ng _____ (TV network),” sabi pa sa amin.

At dahil isa sa paborito ng management ang aktres kaya walang magawa ang mga direktor na gustong ipa-acting workshop siya kaya naman hindi na nagle-level up ang acting nito.

Dagdag sabi pa ng aming source, “Actually, nagtataka nga rin kami bakit siya nabibigyan ng bida role, e, natatabunan naman siya ng co-stars niya.”

Sabi namin, “Mabenta po kasi sa advertisers, siyempre nag-aakyat siya ng pera sa kaban ng network.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending