Mocha wala raw respeto, tinawag na ’Pambansang Kahihiyan’ ng mga basher
PAMBANSANG kahihiyan. Or national disgrace.
Hindi masisisi ng maraming netizens if PCOO ASec Mocha Uson is called such. But isn’t it apt, after all?
Ito’y makaraang mag-post siya ng meme sa kanyang Facebook page ng isang litrato which she captioned: “Napaiyak din ba kayo sa drama ng mga aktibistang madre noong 1986 People Power Edsa revolution?”
Malamang sa hindi ay musmos pa noong mga panahong ‘yon si Mocha nang maganap ang isang makasaysayang pag-aaklas ng taumbayan which ousted a dictatorial leadership sa ilalim ni Ferdinand Marcos.
Pero kung totoong nag-aaral siya ng Law—at isinasaksak niya sa tila kakarampot na utak niya ang kanyang pinag-aaralan—ang kanyang kamusmusan o kawalan pa ng political awareness ay hindi dahilan para hindi niya malaman ang nangyaring maituturing na historical milestone.
Halatang bahagi pa rin ito ng pagkasuklam ni Mocha sa mga Dilawan dahil nang mapatalsik ang mga Marcos ay namayani ang kulay dilaw sa pagsulong sa liderato ng sumunod na Pangulong si Cory Aquino. Connect the dot lang ‘yan.
Si Tita Cory ang namayapang ina ni dating Pangulong Noynoy Aquino, na kalaban ng kasalukuyang administrasyong kulang na lang ay himurin niya ang…fill in the blanks.
Napakawalang-galang naman ni Mocha para idamay ang mga alagad ng simbahan tulad ng mga madre, na tulad ng marami nating kababayan ay nag-ambag din ng kanilang kontribusyon para muli nating manamnam ang ninakaw na demokrasya sa atin.
Sa kabila ng hangarin at pakiusap ni Mocha na huwag na sanang balik-balikan ng kanyang mga kritiko ang balahurang nakaraan niya bilang isang hubaderang performer na nanghahalina ng mga lalaki sabay hipo ng kanilang mga ari, sorry, pero walang iniwan ito sa tanso, na ilubog man sa ginto ay tanso pa rin.
Ang katsipang ito ni Mocha Uson makes anyone want to puke…urggghhh!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.