Ethel Booba pinagtripan, pinagtawanan survey ni Mocha | Bandera

Ethel Booba pinagtripan, pinagtawanan survey ni Mocha

Djan Magbanua - March 01, 2018 - 07:20 PM

 

ETHEL BOOBA AT MOCHA USON

Nag-trend sa Twitter last weekend ang isang post ng sexy comedianne na si Ethel Booba.

Ginawa nya kasing biro ang isang survey ni Mocha Uson sa kanyang Facebook page na Mocha Uson Blog.

Nag-poll kasi si Mocha at ang kanyang tanong ay: “Naniniwala ba kayo na ang 1986 EDSA PEOPLE POWER ay isang produkto ng FAKE NEWS???”

Halos 84% sa mga followers nya ang sumagot ng Yes.

Banat ni Ethel dito ang isa ring poll sa Twitter na nagtatanong na: “Naniniwala ba kayo na ang survey na ginawa para sa 1986 EDSA PEOPLE POWER ay isang product ng FAKE NEWS? Charot!” na umani ng 74% na yes rating.

Sinundan pa ito ni Ethel ng isa pang tweet tila banat kay Mocha pero hindi naman nya pinangalanan.

“Dapat bago makapagcreate ng @facebook account may exam. Papakitaan sila ng news then identify kung fake or legit. Kapag bumagsak di pwede create account. Charot!”

Kilala si Ethel na game na game na sumagot at mag-tweet ng kanyang thoughts sa mga followers nya sa social media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending