Joshua nangako kay Dennis Padilla: Aalagaan at iingatan ko si Julia, hindi ko siya sasaktan!
MAY promise pala si Joshua Garcia sa tatay ni Julia Barretto na si Dennis Padilla.
Kahit wala pang inaamin sina Joshua at Julia tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, sinabi ng binata na mahal na mahal niya ang kanyang ka-loveteam.
“Tulad ng lagi naming sinasabi, aamin kami sa tamang panahon. Siguro naghihintay lang kami ng perfect time para sabihin. Pero siyempre kita naman sa aksiyon namin kung ano ang nararamdaman namin sa isa’t isa,” sey ng binata.
Narito naman ang pangako ni Joshua sa ama ni Julia, “Tito Dennis, ipinapangako ko sa iyo na iingatan ko si Julia, aalagaan ko siya at hindi ko siya sasaktan tulad po ng sinabi ninyo at hindi po kayo magiging action star (magwalala sa galit).”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.