Atrebidang female tv personality ipinost sa social media ang ‘sakit’ ng katrabaho
ATREBIDA kung ilarawan ng kanyang mga kasamahan ang isang kilalang female TV personality. Para naman sa iba ay isa siyang sosyal na pakialamera. Pero mas bagay raw sa kanya ang tawaging KSP.
Ano pa raw kaya ang kailangang pansin ng babaeng personalidad samantalang madalas naman siyang napapanood sa telebisyon? Kulang pa ba ang exposure na ‘yun para sa kanya?
Kuwento ng isang source, “Napakaatrebida niya talaga! Masyado na siyang nalululong sa social media, kaya kahit sino na lang at kahit ano na lang, e, pinanghihimasukan niya!
“Mema lang ba! May mabasa lang siyang post ng kahit sino, kahit kasamahan pa nga niya sa linyang kinabibilangan niya, e, may-I-comment na agad siya.
“At okey lang naman sana kung basta nagkokomento lang siya, pero ang masakit, e, kinokontra pa niya ang pinakikisawsawan niya! Mismo! Sawsawera na siya, e, nangnenega pa!” simulang kuwento ng impormante.
May pinagdadaanan ngayon ang isang kasamahan niyang TV personality. Ipinauna na ng pamilya nito na bawal dumalaw ang mga bisita, maselan ang sitwasyon ng babaeng personalidad, pero ewan kung paano siya nakalapit sa pasyente.
“Nakakaloka siya! Bukod sa nakalusot na siya sa family ng female personality, e, kinunan pa niya mismo ang patient. At kinunan niya ang kamay ng pasyente na puro tusok ng dextrose.
“Kung ang mismong ka-network nga ng female TV personality, e, rumespeto sa pamilya sa kanilang pakiusap, ano ang nakain na naman ng pakialamerang ‘yun para ilabas pa sa IG account niya ang sitwasyon ng kanyang kasamahan sa linya ng trabaho niya?
“Nagalit siyempre ang pamilya, tinawagan siya, ipinabura sa kanya ang post! Nag-sorry siya, hindi raw kasi niya alam na ayaw ng family na ilabas ang pinagdadaanan ngayon ng female TV personality.
“Hanggang kailan siya magso-sorry? Gagawa siya ng isang bagay, tapos, e, hihingi siya ng paumanhin, hanggang kailan niya ‘yun uulit-ulitin?
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pangaralan n’yo ang babaeng ‘yan, ha? Wala siyang karapatang makialam sa buhay ng may buhay! Wala siyang K! Name lang niya ang may letter K!” naiinis na pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.