Karla nakiusap sa fans: Wag nang gawan ng isyu ang KathNiel at JaDine | Bandera

Karla nakiusap sa fans: Wag nang gawan ng isyu ang KathNiel at JaDine

- February 27, 2018 - 12:35 AM

KARLA ESTRADA

SINAGOT ni Queen Mother Karla Estrada ang isang netizen na pilit gumagawa ng isyu sa pagitan ng KathNiel at JaDine loveteam.

Nakiusap si Karla na sana’y tigilan na ang pang-iintriga at pagkukumpara sa tambalang James Reid-Nadine Lustre at Daniel Padilla-Kathryn Bernardo.

Nag-post kasi ang TV host-actress ng photo nina Daniel at Kathryn sa kanyang Instagram kasama ang co-star nila sa seryeng La Luna Sangre na si Richard Gutierrez.

May isang netizen nga ang nag-comment na mas talented ang KathNiel kesa sa JaDine na sinagot naman agad ni Karla ng, “Maging masaya na lang tayo sa blessings na patuloy na natatanggap ng KathNiel.”

Sinegundahan naman ng fans ng rumored couple ang sinabi ni Karla, anila, hangga’t maaari ay iwasan na ang pagpo-post ng mga kanegahan sa social media lalo na ang pagpatol sa mga bashers ng KathNiel.

Mas matutuwa at mas magiging proud daw sina DJ at Kath sa kanilang mga fans kung puro pampa-good vibes lang ang kanilang ise-share sa madlang pipol.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending