PNoy sinabing isyu ng Dengvaxia napupulitika na | Bandera

PNoy sinabing isyu ng Dengvaxia napupulitika na

Leifbilly Begas - February 26, 2018 - 03:28 PM

  Pinasaringan ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang isang eksperto na nagsasalita sa isyu ngDengvaxia na ang sertipikasyon ay lamang lang umano ng konti sa diploma sa Recto.     Sa pagdinig ng House committees on good government at on health, sinabi ni Aquino na lahat na lamang ay may opinyon sa isyu, kuwalipikado man o hindi.     “Masakit po nito: Lahat na lang po may opinyon, kwalipikado man o hindi, lalo na po yung isang maingay na ang certification ay tila isang antas lang ang lamang sa nabibiling diploma sa Recto,” ani Aquino.     Mayroon umanong “nagsiyasat sa certification niya, at nagsulat ng artikulo. Galing po ang certification ng maingay na ito, sa kwestyunableng kurso kung saan manonood ka lang raw ng video ng isang oras kalahati, saka mag-exam na open book, at matapos mong magbayad ng 660 dollars ay certified ka na sa forensics.”     Hindi naman pinangalanan ni Aquino ang tinutukoy niyang forensic expert.     Nauna rito, isinulat ng spokesman ni Aquino na si Abigail Valte na ang forensic expert ng Public Attorney’s Office na si Erwin Erfe ay nakakuha lamang ng forensic training sa isang ‘certification mill’.     Sinabi ni Erfe na namatay ang mga batang kanyang sinuri dahil sa Dengvaxia vaccine.     Ayon kay Aquino, pinasukan na ng pulitika ang isyu. “Alam na po nating pinasukan na ang isyung ito ng pulitika. Mainam sigurong ipaalala ko, na ang bawat opisyal ng pamahalaan, elected man o appointed, ay may Oath of Office.”     Ang dapat umanong pakinggan sa isyu ay “silang mga aral at eksperto, sila po ang ating pagsalitain para mapayuhan tayo nang maayos.”     “Balita na ngang marami na ang tumatanggi sa iba pang bakuna na walang kontrobersya. Ibig-sabihin, tinatanggihan nila ang proteksyon laban sa sakit. Katumbas noon ang posibilidad ng karamdaman, at karugtong noon ang lahat ng uri ng problema: gaya ng pagpapa-ospital, kawalan ng kita, at posible rin ang kamatayan. Baka di ito ang sadya ng mga namumulitika, pero narito na po tayo ngayon.”       Sinabi ni Aquino na ng bilhin ang Dengvaxia ay walang impormasyon na hindi dapat turukan ang mga batang hindi pa nagkakaroon ng dengue. 30

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending