NAUNGUSAN ng Gilas Pilipinas ang Japan, 89-84, para sa ikatlong panalo nito sa apat na laro sa Group B ng 2019 FIBA Basketball World Cup Asian Qualifier Linggo ng gabi sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.
Nagpakawala ng 7-0 run ang mga Hapon para mailapit ang iskor sa 84-86, may 31.5 segundo pa ang nalalabi sa laro.
Sinagot naman ito ni Jayson Castro ng isang floater para sa 88-84 bentahe, may 10.9 segundo na lang sa laban.
Nagmintis ang Japan mula sa tres at nakuha ni Andray Blatche ang rebound. Agad naman siyang binigyan ng foul at kanyang naibuslo ang isa sa dalawang free throw para sa final score.
Nanguna para sa host team si Blatche na gumawa ng 18 puntos at 16 rebounds. Nagdagdag naman ng 14 puntos si Troy Rosario.
Nagwagi rin ang Pilipinas sa una nilang pagkikita, 77-71, na ginanap naman sa Japan.
Hindi pa nananalo ang Japan sa apat na laro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.