ISA ang sugatan matapos ang karambola ng limang sasakyan sa Alaminos, Laguna.
Sinabi ni Alaminos police chief Sr. Inspector Jan Albert Rongavilla na nangyari ang aksidente bago magtanghali sa kahabaan ng national highway sa Barangay 2.
Idinagdag ni Rongavilla na base sa inisyal na imbestigasyon, binangga ng isang trailer truck ang isang bus matapos magluko ang preno ng trak.
“The truck then hit two cars and another vehicle,” sabi ni Rongavilla.
Isinugod sa ospital ang biktima, samantalang nagtamo naman ng bahagyang mga galos ang hindi pa mabilang na pasahero.
Nasa kustodiya na ng mga pulis ang driver ng trak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.