Mga 'SUGAT' na ibinigay ni JAMES kay KRIS sariwa pa rin, hirap na hirap magpatawad | Bandera

Mga ‘SUGAT’ na ibinigay ni JAMES kay KRIS sariwa pa rin, hirap na hirap magpatawad

Alex Brosas - June 24, 2013 - 08:00 AM

NAG-INGAY na naman ang loquacious TV host na si Kris Aquino. And the usual subject of her ire ay si James Yap whom she was accusing of irresponsibility. Kesyo hindi raw bumunot man lang ng datung sa kanyang bulsa si James para sa pag-aaral ni Bimby.

Kesyo wala raw ito sa bansa nang tawagan niya ang lawyers nito para magkasama ang dalawa sa Father’s Day.   Many were questioning Kris’ timing sa kanyang pagsasalita. Bakit daw itinaon nito na nagkakatsang siya habang nasa ibang bansa si James at kasama ang rumored girlfriend nito.

As to James’ hindi pagbibigay ng pera sa education ni Bimby, nagtatanong ang ilan kung bakit ngayon lang siya nagsasalita gayong matagal nang nag-aaral ang bagets. May isa namang maka-James ang nagsabi na parang si Kris ang ayaw tumanggap ng sustento for Bimby kaya naman nag-decide na lang ang basketball player na magbukas ng trust fund para sa kanyang anak.

Sabi ng lawyer ni James ay enough of the drama. Kaagad namang sumagot ang TV host na hindi siya nagdadrama, ni hindi nga siya nagpapatawag ng presscon. We felt na Kris went overboard when she compared James kay Phillip Salvador. Magkaiba ang dalawa at walang point  of comparison.

Actually, magpasalamat nga siya kay Kuya Ipe dahil never itong nakialam sa pagpapalaki sa anak nilang si Joshua. Tiniis nito ang sakit para lang sa kanyang anak. James look sincere in saying na gusto niyang maka-bonding ang kanyang anak. Kaya lang, mukhang si Kris ang may problema at pinahihirapan siya.

Noon pa sinasabi ni James na gusto niyang magkaroon ng time for his son pero tila bingi si Kris sa kanyang munting hiling.
Obviously, Kris is still hurting from her failed relationship with James. Despite the years that they are separated ay hindi pa rin siya maka-move on.

Pero hindi rin natin siya masisisi, baka nga sobrang nasaktan siya sa mga nagawa sa kanya ni James and until now ay fresh pa rin sa utak niya ang mga punagdaanan niya sa kamay ng dating asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending