DU30 nagsalita na sa pagba-ban sa Rappler sa Malacanang
NAGSALITA na si Pangulong Duterte sa kanyang utos na i-ban ang online news na Rappler sa buong Malacanang.
“Because it is not a legitimate agency according to SEC (Securities and Echange Commission). So, I am now invoking executive action based on the SEC ruling,” sabi ni Duterte sa isang ambush interview sa Iloilo.
Idinagdag ni Duterte na nakahanda siyang ikonsidera ang desisyon sakaling bawiin ng SEC ang desisyon laban sa Rappler.
“Kung sabihin na sila legitimate sila, pasok kayo uli. walang problema sa akin yan. But unless di ka legitimate, di naman Pilipino pala may-ari, e bawal yan e,” ayon pa kay Duterte.
Sinabi pa ni Duterte na may posibilidad na US ang nagpapatakbo ng Rappler.
“Baka CIA sponsored e bawal yan kasi CIA has been known…yung Rappler, the newspaper itself…takes every chance to undermine you, that is the history of America, CIA, yang political dissenters inaalagan nila, mamimili sila ng kandidato na mautusan nila,” ayon pa kay Duterte.Nauna nang inihayag ng Palasyo na sa buong Malacanang na ang ban sa Rappler.
“Basahin mo ang Rappler mamaya. you make the report now and they will make a distortion. basahin mo, tingnan mo yung reporting nila, magkasama man tayo lahat,” dagdag ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.