Pagdinig ng Sereno impeachment tatapusin na | Bandera

Pagdinig ng Sereno impeachment tatapusin na

Leifbilly Begas - February 21, 2018 - 03:33 PM
Tatapusin na ng House committee on justice ang pagdinig ng impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.     Ayon sa chairman ng komite na si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali sa Pebrero 27 ang huling pagdinig ng komite bago ang botohang kung mayroong probable cause ang reklamo na inihain ni Atty. Larry Gadon.     “Tulad ng sinabi ko dati by the end of February matatapos na tayo sa probable cause hearing. Isa na lang ang naka-schedule sa amin, February 27,” ani Umali.     Sa Pebrero 27 ang ika-15 araw ng pagdinig ng komite sa isyu.     “Siguro first week of March magbobotohan kami sa komite, second week of March submit na ang report sa Committee on Rules at siguro within the same day if not… one or two days after nasa plenaryo na po kami,” dagdag pa ng solon.     Si Sereno, appointee ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III, ay inakusahan ng culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, corruption, at other high crimes dahil sa hindi umano pagdedeklara ng totoo niyang yaman at paggamit ng puwesto nito para sa personal na interes.     Kailangan ng 98 boto ng mga kongresista sa plenaryo upang maaprubahan ang reklamo at makapagsampa ng Articles of Impeachment laban sa Senado na magsasagawa ng impeachment trial.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending