Pinababa ang may 900 pasahero ng tren ng Metro Rail Transit 3 kaninang umaga dahil sa problema sa kuryente ng makina nito.
Ayon DoTr-MRT, pinababa ang mga pasahero sa northbound sa Guadalupe station alas-8:40 ng umaga. “One cause of the above-mentioned failures is worn-out train components,” saad ng advisory ng MRT. Dumating naman ang sumunod na tren alas-8:49 ng umaga upang isakay ang mga pinababang pasahero. Hinila ang tren at dinala sa depot kung saan ito kukumpunihin.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending