Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Kia Picanto vs GlobalPort
7 p.m. Blackwater vs Phoenix
Team Standings: San Miguel Beer (7-2); Magnolia (7-3); Rain Or Shine (5-3); NLEX (6-4); Alaska (6-4); Barangay Ginebra (5-5); GlobalPort (4-5); Phoenix (4-5); Blackwater Elite (4-6); TNT (4-6); Meralco (4-6); Kia Picanto (1-8)
DALAWA na namang importanteng laro ang magaganap ngayon sa 2018 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.
Sa unang laro umpisa 4:30 ng hapon ay magsasagupa ang naghahabol sa playoffs na GlobalPort Batang Pier at ang napatalsik nang Kia Picanto.
Sa 6 p.m. main game naman ay magtatapat ang Blackwater Elite at Phoenix Petroleum, dalawang koponan na ayaw ding mapag-iwanan sa susunod na round.
Sa pagitan ng GlobalPort, Blackwater at Phoenix, ang Elite ang mas nangangailangan ng panalo.
“Every game namin must-win talaga,” sabi ni Elite forward Marc Belo. “Iyan ang mindset namin, kasi may opportunity kami na kapag nanalo kami sa remaining games namin, may chance kami sa playoffs.”
Ito na ang last game ng Blackwater sa elims at kung mananalo ito ay magtatapos ito na may 5-6 kartada. Bagaman hindi ito nakakasiguro ng puwesto sa quarterfinal round ay maaari pa itong makahabol depende sa kalalabasan ng mga natitirang laro sa liga lalo pa kung makaka-iskor ng upset win ang Kia kontra GlobalPort ngayon.
Bagaman kinukunsidera na pinakamadali ang kanilang laban ay hindi naman nagkukumpiyansa ang Batang Pier na makuha ang ikalimang panalo sa 10 laro ngayon.
“Against Kia, we have a five-day break kaya fresh na naman kami and then after that meron na naman kaming ten days rest against Phoenix,” sabi ni GlobalPort coach Alfredo Jarencio na aminadong naging sanhi ng kabiguan ng koponan ang kawalan ng enerhiya at sobrang kapaguran kontra sa Magnolia, 81-96, sa huli nitong laro.
“Malaking bagay yung nakakapahinga ka. Just like what happened sa TNT. They played five games, three games in one week. Kaya pagdating sa ‘min hirap na hirap. Pagod na kasi sila,” sabi pa ni Jarencio.
Nasa parehong sitwasyon din ang Phoenix na tulad ng GlobalPort ay may 4-5 record.
Para makasiguro ang Phoenix at GlobalPort ng puwesto sa playoffs ay kailangan nilang manalo ngayon at sa huli nilang laro sa elims. —Angelito Oredo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.