PINIGILAN ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na pumasok ng New Executive Building (NEB) ng Malacanang ang nakatalagang reporter ng online news outlet na Rappler.
Sinabi ni Pia Ranada, Palace beat reporter ng Rappler na sinabi ng mga PSG na galing ang kautusan mula sa “itaas”.
Nangyari ang pagpigil kay Ranada isang araw matapos na humarap sa pagdinig ng Senado si Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go kaugnay ng alegasyon na nakialam siya sa kontrata ng frigates project ng Philippine Navy.
“Am sure galing kay Bong Go yung order,” sabi ni Ranada.
Nauna nang sinabi ni Go na biktima siya ng “fake news” kaugnay ng ulat na lumabas sa Rappler at sa Philippine Daily Inquirer.
Nakaapela pa ang desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) matapos tanggalan ng lisensiya ang Rappler para magsagawa ng operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.