Gilas Pilipinas handa na kontra Australia | Bandera

Gilas Pilipinas handa na kontra Australia

Angelito Oredo - February 19, 2018 - 09:13 PM

 

NAGTUNGO na Lunes ng gabi ang Gilas Pilipinas men’s basketball team na problemado sa malaking kakulangan sa ‘big men’ dahil sa injury para sa 2019 FIBA World Cup qualifier for Asia kontra sa world No. 10 Australia.

Gaganapin ang laban sa Margaret Court Arena, Melbourne, Australia sa Huwebes, Pebrero 22.

Inihayag ni national team head coach Chot Reyes sa kanyang Twitter account Linggo ng gabi ang 14-kataong pool na ipantatapat nito kontra Australia sa pinakamalaking hamon sa kampanya nitong makapaglaro sa 2020 Tokyo Olympics.

“Finally got the go-signal to announce Gilas entourage leaving Monday night,” sabi ni Reyes.

Pamumunuan ng naturalized player na si Andray Blatche at chief point guard Jayson Castro ang koponan kasama si four-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo sa pagsagupa sa Australia na tulad ng Pilipinas ay may malinis na 2-0 kartada sa Group B.

Kasama rin sa Gilas lineup sina Gabe Norwood, Japeth Aguilar, Allein Maliksi, Kevin Alas, RR Pogoy, Matthew Wright, Jio Jalalon at Kiefer Ravena.

Ang Fil-American at “23-for-23” cadet member na si Abu Tratter ay surpresang nakasama sa koponan para punan ang kakulangan ng koponan sa big men sa pagkawala ni Troy Rosario dahil sa injury.

Ipinaliwanag ni Reyes na hindi binigyan ng medical clearance si Rosario matapos ang masama nitong pagbagsak sa laban ng TNT KaTropa at Phoenix Fuel Masters noong Pebrero 7 habang si Mac Belo ay hindi pa rin maasahan dahil sa nagpapagaling pa ito sa left knee injury.

Maaga ng tatlong araw ang pagtungo ng koponan sa Australia para maaga ring makapaghanda sa klima doon.

Sunod na makakasagupa ng Pilipinas sa home game nito ang Japan sa Linggo, Pebrero 25, sa Mall of Asia Arena.

Kapwa winalis ng Nationals at Boomers ang kagrupo na Japan at Chinese Taipei sa unang labanan ng World Cup qualifier upang magsalo sa unahan sa 2-0 kartada.

Babalik ang Nationals sa Maynila sa Biyernes para sa dalawang araw naman nitong paghahanda sa pagho-host nito sa Japan sa MOA Arena sa Linggo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Una nang tinalo ng PH 5 ang mga Japanese, 77-71, sa Tokyo noong Nobyembre 24 bago nito binigo ang dumayo na mga Taiwanese, 90-83, sa Smart Araneta Coliseum noong Nobyembre 27.

Minsan nang nagharap ang Pilipinas at ang Australia noong 2014 Antibes International Basketball Tournament kung saan nalasap nito ang 75-9 kabiguan sa laban na ginanap sa Antibes, France.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending