Honeymoon nina Coleen at Billy madi-delay; ayaw munang mag-baby
SAKALING umulan, may naka-standby na ring simbahan para sa kasal nina Coleen Garcia at Billy Crawford.
Sa darating na April magaganap ang beach wedding ng dalawang Kapamilya stars pero para makasiguro, nagpa-reserve na rin sa isang simbahan malapit sa beach resort ang future husband and wife.
“Beach talaga kasi yung gusto namin, although may naka-standby rin na chapel just in case na umulan. But we’re hoping na good weather rin on that day. It’s a destination wedding,” kuwento ni Coleen nang makorner ng mga reporter pagkatapos ng presscon para sa movie niyang “Sin Island” with Xian Lim and Natalie Hart na showing na ngayon.
Hindi pa rin daw tapos ang preparasyon nina Coleen at Billy para sa wedding, “Ngayon, parang pinaplantsa na lang namin lahat. Malapit na rin kaming mag-send ng invitation. Actually, sobrang late na nga namin. Usually, six months before, pero sa sobrang wala kaming oras.”
Isa sa mga principal sponsors nila ay si Dra. Vicki Belo, habang kasama naman sa mga abay ang kaibigan nila ni Billy na si Vhong Navarro.
Plano ba nilag magka-baby agad after the wedding? “Sa akin, kung binigay ng Diyos, tatanggapin namin. Mas okey na yung maaga kesa wala. I’ll always be thankful at kasama naman yun sa mga pangarap namin sa buhay together.
“Pero if it’s up to us, siguro gusto namin yung a couple of years muna just to really get to know each other as husband and wife. Kasi, iba yung mag-boyfriend-girlfriend kayo. Iba rin yung mag-asawa kayo,” hirit pa ng aktres.
Kailan naman ang honeymoon? “Hindi pa ako sure. Sana sa July kaya lang, depende rin talaga sa mga projects namin. Kasi sa ngayon, may PGT (Pilipinas Got Talent) siya. Actually, this is the first time sa buong career ko since I joined Showtime na wala akong overlapping project. Wala akong kasunod pa.
“Kasi, kakausapin pa lang ako and I don’t know pa what’s the next plan for me. Right now, I’m just really focused on the wedding preparation pa,” aniya pa.
Pero saan ba ang dream honeymoon destination niya? “Ang dami, e, gusto ko kasi—noong una, akala ko beach noong mag-Maldives kami, kasi relaxing. But then I realized, gusto ko road trip. Gusto kong mag-drive kami. Siguro sa States or sa Europe. I want to see different sights.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.