Lovi rumesbak, ipinagtanggol si Heart sa ‘baog’ isyu
NIRESBAKAN ng Kapuso actress na si Lovi Poe ang ilang bashers ni Heart Evangelista, lalo na ang mga nagsasabing baog ang asawa ni Sen. Chiz Escudero.
Love na love ni Lovi si Heart na nagdiwang din ng kanyang birthday nitong nakaraang Valentine’s Day (Feb. 14). Last Feb. 15 naman sila nagdiwang ng 3rd wedding anniversary ni Chiz.
Hanggang ngayon ay wala pa rin kasing anak ang mag-asawa kaya ilang bashers ang nagsabing baka raw si Heart ang may diperesensya dahil nagkaroon naman ng kambal na anak ang kanyang mister sa unang asawa nito.
Sa presscon ng bago niyang pelikulang “The Significant Other” natanong si Lovi kung ano ang masasabi niya tungkol sa isyung ibinabato laban sa kanyang kaibigan, “I have nothing but love for Heart and she’s an amazing human being. I don’t think it’s fair for any woman to get bashed for like, not choosing to have a baby just yet.”
Dagdag pa ni Lovi, “Kasi choice rin naman ng tao. You know, when someone is prepared or not. Yung sariling tao ang makakaalam kung prepared siya o hindi. You know what, let this girl be.”
Sa huling pakikipagchikahan namin kay Heart, sinabi nitong this year nila kakaririn ni Sen. Chiz ang pagkakaroon ng baby. Na-delay kasi nang delay ang pagbubuntis niya dahil sunud-sunod ang naging trabaho niya sa GMA 7.
Anyway, mapapanood na ang “The Significant Other” na pinagbibidahan nina Lovi, Erich Gonzales at Tom Rodriguez sa Feb. 21 nationwide. Ito’y sa direksyon ni Joel Lamangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.