INILIGTAS ng kanyang cell phone ang isang pulis matapos tumama ang bala rito nang barilin ng isa sa mga riding-in-tandem sa Pagadian City.
Sinabi ni Supt. Benito Recopuerto, city police chief, na minamaneho ni Senior Police Officer 4 Carlos Omentic ang kanyang motorsiklo papunta sa police station ganap na alas-7 ng kagabi nang siya ay atakihin.
Idinagdag ni Recopuerto na nakaganti ng putok si Omentic habang tumatakbo papunta sa city police station.
Ayon kay Omentic, iniligtas siya ng kanyang cell phone matapos dito tumama ang bala, bago siya madaplisan sa mukha.
Sinabi ni Omentic na nagdesisyon siyang tawagan ang kanyang misis habang nagmamaneho matapos maiwan ang kanyang reading glasses sa bahay.
Habang tumatawag, biglang lumitaw ang mga suspek at pinaputukan siya ng sa sa mga ito.
“The bullet’s impact injured the policeman near his right ear,” sabi ni Recopuerto.
Nakarekober ang Scene of the Crime Operation (Soco) ng 15 bala sa lugar mula sa 9-millimeter pistol at caliber .45 pistol.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente para mabatid ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.