Dina Bonnevie matindi ang hugot sa mga ‘kabit’ | Bandera

Dina Bonnevie matindi ang hugot sa mga ‘kabit’

Reggee Bonoan - February 13, 2018 - 12:30 AM

 

“YOU don’t break hearts on Christmas, bawal ‘yun!” Ito ang isa sa famous line ni Carlo Aquino kay Bela Padilla sa pelikulang “Meet Me In St. Gallen” na ginawa nang running joke ngayon ng mga katoto sa tuwing magkikita-kita kapag may showbiz events.

Sa ginanap na presscon ng “The Significant Other” na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Erich Gonzales, Tom Rodriguez, Snooky Serna at Dina Bonnevie mula sa direksyon ni Joel Lamangan ay may bagong linya na namang tumatak sa mga miyembro ng press.

Ito ang linya ni Lovi para kay Erich na, “Huwag mong bigyan ng katwiran ang kalandian mo!” Kaya isa-isang tinanong ang mga bidang babae sa pelikula kung may nasabihan na sila nito.

Sabi ni Snooky “Ay wala, wala naman akong nasabihan ng ganyan, hindi naman ako umabot sa ganyan.”

Sey naman ni Ms. D (tawag kay Dina), “Hindi yata kasi Tagalog ‘yan, alam mo naman ako Inglisera ako!” na sinundan ng tawanan ng mga nasa presscon.

Dagdag ng aktres, “Para sa akin kasi, if the guy is taken, don’t give me that excuse na ‘nagmahal ako, wala akong ginawang mali’ that’s a lot of BS (bullsh***t).”

Kapag may nababalitaan na raw si Dina na may “significant other” ang partner niya ay hindi siya bumababa sa level nito pero may pasimple siyang ginagawa, “The worst thing na nagawa ko was alam kong nandoon ‘yung isa (girl) and having dinner with (my boyfriend) and I just walked and said, ‘Hi, sorry I’m late for the date!’

“Kaya siguro naloka ‘yung girl kasi may usapan pala kami tapos nandoon siya, wala lang, eksena lang tapos umalis na ako,” kuwento ng aktres. Nangyari raw ‘yun nu’ng nalaman ni Dina na may ka-date ang boyfriend niya kaya bumili agad siya ng bagong damit at saka pumunta sa restaurant.

Si Dina ay kasalukuyang maybahay ni Ilocos Sur 1st District Rep. Deogracias Victor Savellano simula pa noong 2012 at masaya pa rin silang nagsasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kuwento naman ni direk Joel, maraming makaka-relate sa kuwento ng “The Significant Other” dahil nangyayari talaga ito sa totoong buhay. Mapapanood na ito sa Peb. 21 mula sa CineKo Productions at Star Cinema.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending