Yam pinahirapan sa shooting ng ‘Amnesia Love’
SHOWING na sa Feb. 28 ang “Amnesia Love” kung saan makakatambal naman ni Paolo Ballesteros ang sexy Kapamilya actress na si Yam Concepcion. Ito’y sa direksyon ni Albert Langitan mula sa Viva Films.
Naikuwento nina Paolo at Yam ang isa sa matitinding challenge na sinagupa nila sa shooting ng kanilang movie, lalo na ang mga ginawa nilang eksena sa isang isla ng Zambales.
“Bukod du’n sa location namin out of town, yung makipagsiping sa buhanginan, sa tabing dagat, medyo effort din ‘yung pagpunta sa island,” kuwento ni Paolo.
Sey naman ni Yam, “Mahirap yung working condition. Island siya. Eight days nandu’n ka. Yung mode of transportation namin papunta sa location every day, magba-van kami rough road, thirty minutes yun then maglalakad kami sa napakahabang tulay na gawa sa kawayan.
“Tapos sasakay kami ng banca papuntang island. Every day, ganu’n for eight days. May instance pa, pauwi kami, madaling araw, yung boat, Diyos ko day, hindi umaandar,” dugtong pa ni Yam.
Hirit naman ni Pao, “Gabi yun at wala nang ibang bangka. Walang ilaw. Moonlight lang. Yun yung pinaka-challenging.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.