Contribution na naihulog sobra, mairerefund kaya?
MAGANDANG araw po Aksyon Line.
Nais ko pong humi-ngi ng tulong. Paano po ba ang dapat kong gawin dahil meron po akong dalawang employer at parehong naghuhulog ng premium sa SSS account ko po. Yung isa ay full-time at yung isa ay part-time po. Paano po ba ang dapat gawin? Nine months lang po ang itinagal ko sa part-time job ko at continue pa rin po ako sa full-time job ko po. Please help me po. Maraming salamat po. Marereimburse kaya ang sobrang nahulog? Thank you po.
Prince Fernandez
Support Officer
TechnoKids Philippines
REPLY: Ito po ay bilang tugon sa ipinadalang email ni G. Prince Fernandez, kung saan tinatanong niya kung ano ang maaari niyang gawin dahil dalawang employer ang naghuhulog ng kontribusyon para sa kanyang SSS.
Ayon sa Social Security Law, bawat employer ay dapat ipagbayad ng kontribusyon ang kaniyang mga empleyado.
Bagamat ito po ay pinapayagan ng batas, dahil mayroong cap ang salary credit sa SSS na sa kasalukuyan ay P16,000, maaaring mayroong mga hulog na sobra na sa maximum na buwanang hulog na P1,760 kung susumahin ang hulog ng dalawang employer.
Sa ganitong sitwasyon, magbigay ng isang pormal na sulat para i-refund ng SSS ang sobrang hulog at ipadala ito sa:
The Head
Diliman Processing Center
SE/VM Section
11th Floor, SSS Main Building,
East Avenue, Diliman, Quezon City
Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni G. Fernandez.
Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security Officer IV
Media Monitoring Team
Media Affairs
Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.