Bumibidang aktor binabarat ng tv network, napakaliit ng talent fee | Bandera

Bumibidang aktor binabarat ng tv network, napakaliit ng talent fee

Reggee Bonoan |February 10,2018
facebook
share this

Bumibidang aktor binabarat ng tv network, napakaliit ng talent fee

Reggee Bonoan - February 10, 2018 - 12:15 AM


NABABALIW ang isang aktor sa liit ng talent fee na tinatanggap niya sa isang serye kahit na isa siya sa mga bida.

Kuwento sa amin ng kampo ng aktor, “Nagulat siya, kasi expected niya malaki, as in three digits sana per taping day kasi nga isa siya sa lead, kasi ‘yung mga kasama niya ganu’n ang presyo. Nu’ng nalaman niya, hindi siya makapaniwala kaya nag-walkout.”

Tinanong namin kung napag-usapan ba iyon sa meeting bago tinanggap ng aktor ang project, “Hindi kasi the fact na may project siya okay na, saka pang ilang serye na niya kaya expected niya may raise na. Ako rin naman nagulat, pero wala naman tayong magagawa kasi maski na isa siya sa lead star, considered bago pa rin siya sa network,” pahayag sa amin.

Ang tanda kasi namin kung ano ‘yung naumpisahang talent fee na ibinigay ng network ay iyon na ‘yun, unless ang mismong producer ng programa o pelikula ang magsabing itaas na ang rate ng artista.

May kilala nga kaming mga sikat na ilang taon ding nagtiis sa maliit na talent fee nila, nakailang pelikula’t serye na sila pero waley pa rin. Ang katwiran nila ay mas mabuti nang may show kaysa wala.

Balik tanong sa source, magkano ang talent fee ng aktor na isa sa bida ng binanggit niyang serye, “E, kulang pang pambayad ng renta ng bahay, pambayad ng bills, pambili ng pang-araw-araw na pagkain.”

Hmmmm, parang alam na namin kung magkano. Kaya ang payo namin, bumawi na lang siya kung ilang beses ang taping sa isang linggo, kung makatatlo o apat, e, di malaki na rin pag pinagsama-sama sa isang buwan.

Choosy pa ba si aktor, e, hindi pa rin naman siya kagalingang umarte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending