Jason, Donita, Nar isa-isang umamin kay Regine | Bandera

Jason, Donita, Nar isa-isang umamin kay Regine

|February 10,2018
facebook
share this

Jason, Donita, Nar isa-isang umamin kay Regine

- February 10, 2018 - 12:30 AM

TWO truths and one lie! Yan ang rule ng kuwentuhan ngayong Sabado ng umaga sa bahay ng nag-iisang Songbird na si Regine Velasquez.

Makikipag-bonding kay Regs ang mga paborito ninyong Kapuso comedian na sina Jason Franciso, Donita Nose at Nar Cabico. Isa-isa silang magri-reveal ng kanilang mga lihim.

May namigay daw ng motor sa ngalan ng pag-ibig; nagbenta ng siomai sa sementeryo for love; at may bawal lapitan ng ibang guys?

Maintrigang kuwentuhan with matching kantahan pa with Nar na kilalang-kilala na ngayon hindi lang bilang comedian, kundi isa na ring hugot king ng mga senti songs!

Para sa lahat ng mga Kapuso viewers, tikman din ang paboritong lutuin ni Jason na palaging inihahanda ng kanyang mahal na asawang si Melai Cantiveros!

At dahil Valentine’s day na, may special ding regalo ang Songbird para sa inyo.

Maintriga, masaya at mapusong Sabado na may masarap na kainan, kuwentuhan at kantahan ang dapat n’yong abangan sa Sarap Diva after Maynila sa GMA 7 lang.

q q q

Isang natatanging kuwento ng pag-ibig ang bibigyang-buhay ng award-winning Kapuso actress na si Sunshine Dizon sa Valentine special ng Wagas ngayong Sabado.

Isang babaeng may malaking bukol sa mukha ang gagampanan ni Sunshine. Kasama ang kasabayan niya noon na si Biboy Ramirez, isasabuhay nila ang kuwento ng wagas na pag-ibig nina Editha at Aurelio Dadores.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagkaroon ng isang kundisyon sa ilong si Editha dahilan para tubuan ng malaking bukol ang kanyang mukha. Isang uri ng facial tumor daw ito ayon sa eksperto. Pero sa kabila nito, higit pang tumindi ang pagmamahal ni Aurelio para kay Editha.

Isa na nga yata ito sa mga hindi malilimutang role na ginampanan ni Sunshine bukod sa pagiging Emma ng Ika-6 na Utos. Huwag palampasin ang “Mukha ng Pag-Ibig” sa Wagas, ngayong Sabado 7 p.m. sa GMA News TV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending