Rocco ayaw sirain ang diskarte ni Sanya | Bandera

Rocco ayaw sirain ang diskarte ni Sanya

Ervin Santiago |February 09,2018
facebook
share this

Rocco ayaw sirain ang diskarte ni Sanya

Ervin Santiago - February 09, 2018 - 12:25 AM


SA darating na March 21 ay 31 na ang Kapuso hunk na si Rocco Nacino. At hanggang ngayon ay single pa rin ang binata.

Kung super happy na ngayon ang kanyang ex-girlfriend na si Lovi Poe sa boyfriend nitong foreigner, maligaya rin daw si Rocco sa kanyang buhay kahit wala siyang dyowa.

Nakausap namin ang aktor sa taping ng Kapuso afternoon series na Haplos somewhere in Quezon City at dito niya naikuwento ang tungkol sa ipinatatayo niyang dream house.

Birthday wish daw niya this year na matapos na ang kanyang bahay. Ito rin dang dahilan kung bakit doble ang sipag niya sa pagtatrabaho at effort sa pag-aasikaso sa kanyang mga negosyo.

“Yung lovelife kasi alam kong darating at darating ‘yan, sa tamang panahon. So, habang walang (GF), magtrabaho muna nang magtrabaho, kailangan ko ‘yun para matapos na ‘yung bahay ko,” ani Rocco.

Ipinakita niya sa amin ang litrato ng kanyang dream house at talagang bongga pala talaga ang style at laki nito. Sabi nga namin, parang ganu’n ang mga bonggang bahay na ginagamit sa K-Drama na pinagbibidahan nina Lee Min Ho, Gong Yoo at Song Joong Ki.

Sabi nga namin kay Rocco, asawa na lang talaga ang kulang sa buhay niya, “Oo nga, e. ‘Yun nga ang talagang gusto kong mangyari, gusto ko munang i-secure lahat, para kapag dumating na ‘yung time na ‘yun, handang-handa na.”

Muli, kinumusta namin ang estado ng relasyon nila ng kanyang leading lady sa Haplos na si Sanya Lopez, sey ni Rocco, ganu’n pa rin daw ang samahan nila ng dalaga, mas naging komportable at mas naging close pa raw sila sa isa’t isa. Pero aniya, “Yung pag-level up into something serious, huwag muna. Ayokong guluhin ‘yung focus niya sa career. Bata pa si Sanya kaya gusto kong i-enjoy muna niya lahat ng opportunities.

“Unfair naman kung hahaluan ko agad ng ano, di ba? Kasi kung talagang meant to be kayo, mangyayari ‘yun. So for now, ganito muna, masaya naman kami kung anong meron kami and no rush, chill-chill lang,” aniya pa.

Samantala, nagpapasalamat si Rocco sa GMA dahil tuluy-tuloy pa rin ang trabaho niya. Dalawang beses na raw na-extend ang serye nila ni Sanya na Haplos at patuloy pa rin daw itong sinusuportahan ng kanilang followers.

Excited na rin daw siyang malaman kung ano pa ang mangyayari sa karakter niya bilang si Gerald na namatay na sa kuwento ngunit nagawang buhayin ni Lucille (Thea Tolentino) sa pamamagitan ng kulam. Paano nga ba malalabanan ni Angela (Sanya) ang kapangyarihan ni Lucille para mawala ang bisa ng kulam kay Gerald?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yan ang dapat n’yong tutukan sa pagpapatuloy ng Haplos sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending