Super rich na female star hindi na maghihirap, salamat sa ukay-ukay
ON a social media site ay inilabas nito ang Top 10 celebrities In showbiz ang kanilang net worth in millions. Nangunguna roon si Maine Mendoza, nasa bandang tail end naman ang the likes of Nadine Lustre.
More than 700 million ang nakadeklarang kinita raw ni Maine, pero paglilinaw ng source ng information na ‘yon ay pinagsama-samang assets na ‘yon, including their properties and all.
So, may sariling version din pala ng SALN ang mga celebrities who—most if not all of them—would rather choose to make any disclosure of their wealth for two likely reasons: 1.) BIR and 2.) security?
Gumana uli tuloy ang aming recollection, tungkol sa isang sikat na aktres who’s enjoying the best of both worlds (need we say kung ano?).
Once at an intimate presscon ay may reporter-attendee na nagbiro sa kanya, “Siguro, ang yaman-yaman mo na.”
Sinegundahan naman ‘yon ng pagtango ng kanyang mga kabaro habang ngingiti-ngiti lang ang aktres with matching hinawi-hawi ang kanyang buhok pa-teenager style.
“Ano ba kayo? Nakaipon lang,” consistently teeny-bopperish na sey ng aktres way past her lollipop and pony tail days.
Kunsabagay, hindi man ibilad ng aktres how much she’s worth now, kailanma’y hindi siya maaapektuhan ng inflation. She has saved more than enough even she lives 10 more lifetimes, even if she’ll be blessed with 10 grandchildren in the future.
In millennial parlance, petmalu naman kasi sa financial management ang aktres who can even conduct a seminar on it. Anong panama riyan ng mga parokyano ng secondhand stuff?
She’s the “patron saint of ukay-ukay” herself.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.