'Hindi kami papayag na sabihang laos si Martin Nievera!' | Bandera

‘Hindi kami papayag na sabihang laos si Martin Nievera!’

Cristy Fermin - February 06, 2018 - 12:10 AM


NAPAKATOTOO ni Martin Nievara sa kanyang sarili at sa publiko. Tanggap niya ang katotohanan na may kani-kanyang panahon ang lahat ng kaganapan sa mundo.

Maging ang career ng mga artista at singers ay nakahapay sa panahon, kapag kakampi mo ang kapalaran ay nasa ituktok ka ng tatsulok ng popularidad, pero kapag tapos na ang panahon mo ay may iba namang mga papalit.

Totoong-totoo ang paniniwala ng Concert King, may kani-kanyang panahon talaga ang kasikatan, weather-weather lang ang mas ginagamit na salita para sa ganu’n.

Pero hindi kami makapapayag na laos na si Martin Nievera. Maaaring marami na siyang kaagawan sa posisyon na mga mas bata pa kesa sa kanya, pero hindi siya malalaos, palaging may espasyo sa mundo ng musika si Martin Nievera.

Iba pa rin ang kanyang atake, kakaiba pa rin ang hagod ng kanyang boses, lalong ibang-iba ang kanyang marka kapag nasa gitna na siya ng entablado.

Siya pa rin ang Martin Nievara nu’ng mga unang taon ng dekada ’80 na pinagkakaguluhan ng ating mga kababayan dahil sa puhunan niyang talento sa pagkanta.

Basta, hindi kami makapapayag sa sinabi ni Martin Nievera na laos na raw siya, walang nalalaos. Nagpapahinga lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending