World Cancer Day: Paano ka maililigtas ng iyong lifestyle | Bandera

World Cancer Day: Paano ka maililigtas ng iyong lifestyle

AFP - February 05, 2018 - 08:00 AM

KAHAPON ay World Cancer Day na ang layunin ay para pagkaisahin ang mundo para labanan ang anumang uri ng cancer at maging maalam ang mamamayan tungkol dito.

At habang patuloy ang ginagawang pananaliksik para malabanan ang cancer, narito ang ilang tips na pwedeng makatulong para makaiwas sa cancer, at para maging healthy rin ang pangangatawan:

Huwag ma-guilty sa pag-inom ng kape

Hindi naman natin sinasabi na dapat uminom ng kape ang lahat para makaiwas sa cancer, pero hindi dapat ma-guilty kung ikaw man ay madalas uminom nito. May mga pag-aaral kasi na nagsasabi na kung sanay kang uminom ng kape sa umaga, o may moderate consumption ng kape sa maghapon, malaki ang naitutulong nito sa paglaban sa ilang uri ng cancer gaya ng prostate, endometrial, skin at liver cancer.

Ayon sa mag pag-aa-ral, hindi masamang kumonsumo ng isa hanggang tatlong tasa ng kape sa maghapon. Pero may ibang pag-aaral ang nagsasabi na ang sobrang konsumo ng caffeine ay di rin maganda sa kalusugan, gaya ng mga buntis.

Hinay-hinay sa kain

Ayon sa isang pag-aa-ral noong 2015 ng International Agency for Research on Cancer (IARC), ang pagkain ng large amount ng processed meat gaya ng sausage, ham, hamburger at ilang red meat gaya ng beef, pork at lamb ay nagpapataas ng risk na magkaroon ng cancer sa colon, rectum, pancreas at prostate.

Pero hindi naman nangangahulugan na dapat itigil ang pagkain ng karne, ayon naman sa World Health Organization. Ayon sa WHO, ma-kabubuti kung babawasan ang pagkain nito, lalo na kung papalitan ito nang pagkain ng mga gulay, prutas at legumes.

Healthy weight dapat

Ayon din sa ilang pag-aaral, ang pagiging overweight o obese ay mas malaki ang tsansa na magkaroon ng heart di-sease at cancer. Ang mga babaeng obese ay 12 beses na posibleng makadevelop ng cancer kaysa sa mga babaeng normal ang timbang.

Hindi man malaki ang risk sa mga kalalakihan, pero ang obese na lalaki ay posibleng makadevelop ng ilang uri ng cancer.

May good news, mapababa lang kahit konti ang timbang ay malaking epekto na para sa ikagaganda ng kalusugan. Kailangan may healthy diet at physical exercise para mapanatili ang isang maayos na timbang.

Gulay at prutas, wag kalilimutan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang kumukonsumo ng 10 portion ng prutas at gulay ay may magandang kahihinatnan sa kanilang kalusugan.

Ayon sa pag-aaral, ang pagkain ng 800 gramo ng prutas at gulay kada araw — equivalent sa 10 portions — ay nakakabawas ng risk of death, at naka-kabawas din ng cancer risk ng 13 porsiyento. Green vegetables, gaya ng talbos ng kamote, kangkong, spinach o kahit green beans, yellow ve-getables, gaya ng pepper, kalabasa, carrot ay nakakaiwas sa cancer risk.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending