Female celebrity ipinaglihi sa sama ng loob; maramot na, wala pang ka-pr-pr | Bandera

Female celebrity ipinaglihi sa sama ng loob; maramot na, wala pang ka-pr-pr

Cristy Fermin - February 04, 2018 - 12:15 AM

 

DAHIL sa kanyang kinabibilangang linya, dapat sana’y maraming naaaliw sa isang female personality sa harap at likod ng mga camera, pero bakit kaya sa isang umpukan ay puro kanegahan tungkol sa kanya ang bumidang istorya?

Marami palang katrabaho ang babaeng ito ang hindi nagkakagusto sa kanyang ugali, nahihiwagaan din ang mga ito kung bakit ganu’n siya, samantalang napakarami namang biyayang dumarating sa kanya?

Kuwento ng isang nasa umpukan, “Nakakasora ang ugali ng babaeng ‘yun! Hindi mo alam kung paano mo siya mapapasaya, kasi, hindi siya appreciative sa ginagawa ng kapwa niya.

“Sobrang taas ang tingin niya sa sarili niya kaya palaging kulang para sa kanya ang mga effort na ginagawa ng kapwa niya. Ano ba naman ang kahit simpleng compliment lang na puwede niyang sabihin sa ibang tao?

“Makakabawas ba naman ‘yun sa popularity at kayamanan niya? Napakahirap bang magbigay ng papuri kahit pabalat-bunga lang? Kapos na kapos siya sa ganu’n, kaya maraming nagsasabing maramot siya, wala siyang pagpapahalaga sa mga taong nakakasama niya sa trabaho,” simulang kuwento ng source.

Nagiging katuwaan na nga ng grupo ang tawagin siyang ang babaeng ipinaglihi sa sama ng loob. Palagi kasing madilim ang kanyang mundo, ang dami-dami niyang nakikitang mali sa kanyang kapwa, siya na talaga!

“Du’n sa network na pinagseserbisyuhan niya, e, kabisado na ng mga tagaroon ang ugali niya. Kapag nakikita na siya, e, parang Red Sea, nahahawi ang mga dinadaanan niya.

“Kasi nga, kahit batiin mo siya, e, parang wala rin naman siyang nakikita, ni hindi siya tumitingin kaya bakit mo pa siya babatiin? Sa dressing room niya, e, meron na siyang nakahandang karatula na ang nakasulat, e, bawal mag-ingay.

“So, talagang kahit saan, bitbit niya ang ganu’ng ugali! Wala siyang PR, may sarili siyang mundo, talagang ipinaglihi nga siya sa sama ng loob.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, ewan nga ba sa babaeng ‘yun kung bakit siya ganyan? Pati ang script ng show niya, pinakikialaman niya. Siya na lang kaya ang magsulat at magkorek ng programa niya?

“Dear chuchu, siya na rin ang maging narrator, para kumpleto na ang gusto niyang mangyari. Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, maghunos-dili kayo, huwag n’yo siyang itulak sa imburnal!” pagtatapos ng aming impormante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending