3 motor, SUV inararo ng trak: 4 patay | Bandera

3 motor, SUV inararo ng trak: 4 patay

John Roson - February 01, 2018 - 06:39 PM
Apat katao ang nasawi nang araruhin ng 10-wheeler truck ang tatlong motorsiklo at isang sports utility vehicle sa Makilala, North Cotabato, Huwebes ng umaga, ayon sa pulisya. Naganap ang insidente dakong alas-10:30 sa Sitio Patulangon, Brgy. Poblacion, sabi ni Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng North Cotabato provincial police. Lumabas sa imbestigasyon na biglang nawalan ng kontrol sa trak ang driver nito, hanggang sa masalpok ng sasakyan ang tatlong motor at isang Toyota Fortuner, ani Tayong, gamit bilang basehan ang inisyal na ulat na nakarating sa kanyang tanggapan. May iba pang tao na malubhang nasugatan sa insidenteng kinasangkutan ng trak, na galing umano sa Davao City at nagloko ang preno, ayon namn sa isang ulat sa radyo. Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima at ang totoong sanhi ng insidente, ani Tayong.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending