DOTr nagpakalat ng mga bus sa harap ng patuloy na aberya ng MRT-3
NAGSIMULA na ang Department of Transportation (DOTr) na magpakalat ng mga bus sa Quezon City para matulungan ang mga pasaherong apektado ng walang tigil na aberya sa mga tren ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3).
Sa isang advisory, sinabi ng DOTr na 10 interim bus ang bibiyahe tuwing peak hours sa kahabaan ng MRT-3 North Avenue at Quezon Avenue para mabigyan ng opsyon ang mga mananakay sa kanilang pagpasok sa kani-kanilang trabaho.
Aabot sa P15 ang pamasahe ng mga papuntang Shaw at Ayala.
Sinabi ni Leah Quiambao, assistant secretary for communications ng DOTr, na ito ay bahagi ng “remedial measure” habang tinatrabaho pa ng departamento ang pagbili ng mga spare parts para sa mga tren ng MRT-3.
Idinagdag ng DOTr na inaasahang daparating ang mga spare parts sa Pebrero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending