Producer umamin na: Pelikula lang nina Coco at Vice Ganda ang kumita nang malaki sa 2017 MMFF | Bandera

Producer umamin na: Pelikula lang nina Coco at Vice Ganda ang kumita nang malaki sa 2017 MMFF

Reggee Bonoan - February 02, 2018 - 12:20 AM

COCO MARTIN AT VICE GANDA

NAKATSIKAHAN namin ang isang movie producer at nabanggit niya na mahina ang mga pelikulang Pinoy na ipinalabas simula ng 2018.

“Actually, nu’ng Metro Manila Film Festival dalawa lang naman ang kumita ng malaki, ‘yung kay Vice Ganda (The Revenger Squad) at ‘yung kay Coco Martin (Ang Panday). Di ba ang report more than P500 million ang kinita ng movie ni Vice, yung kay Coco naman ang alam ko close to P300 million. The rest hindi naman tumuntong ng P100 million mark.

“Masuwerte ‘yung maliit lang ang puhunan kasi kumita sila like ‘Siargao,’ alam ko maliit lang ang puhunan pero nasa number 3, di ba? Tapos ‘yung ‘Haunted Forest’, alam ko nakabawi rin ang Regal Films doon. Hindi ko lang alam sa ibang pelikula kung nakabawi,” anang producer na ayaw ipabanggit ang pangalan.

Totoong nabawi ng “Ang Panday” ang puhunan nila ayon sa taong napagtanungan namin na malapit kay Coco. Aniya pa, “Hindi mo na makapa ang gusto ng tao kasi ang alam ko kapag malalaki ang artista, panonoorin lalo na kapag fan ka. O, dahil katatapos lang ng Pasko at Bagong Taon kaya tipid muna sila,” sabi ng aming kausap.

Ikinatwiran namin na sobrang mahal na kasi ang bayad sa sine ngayon, simula P250-300. Kung minimum wage earner ka, uunahin mo pa bang manood ng sine kaysa ipambili ng pagkain ng pamilya at pambaon ng mga anak.

Sino ba ang target moviegoers ng mga producer, hindi ba ang masa? Sila ang may malaking porsiyentong mahilig manood ng sine kaya nga hindi nawawala ang mga pirated DVD dahil hindi afford ng mahihirap ang presyo ng sine ngayon. Pero kapag Disney o Warner Bros ang pelikula, asahan mo, mahaba ang pila sa mga sinehan.

“Tama ka rin. Kaya nga, di ba? Suntok talaga sa buwan ang mag-produce ng pelikula ngayon kasi para kang tumutulay sa alambre na habang sinu-shoot mo, hindi mo alam kung kikita o hindi kahit gaano pa kaganda ang istorya. Nakakadagdag din siguro na may Netflix at iflix na mura lang ang monthly bill mo,” sabi pa ng producer.

Pero kahit na maraming pelikula ang hindi kumikita ay hindi pa rin tumitigil ang mga kilalang producer sa pagpao-produce dahil mahahaba ang pisi nila, pero paano naman ‘yung independent producers?

Anyway, ang producer na kausap namin ay may pelikulang ginagawa at ipalalabas ngayong taon at ayon sa kanya, “Hindi na ako gumagastos ng malaki para madaling ibenta sa distributor.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending