Zsa Zsa atat nang maging lola, ipinagdarasal na magkaanak na sana sina Karylle at Yael | Bandera

Zsa Zsa atat nang maging lola, ipinagdarasal na magkaanak na sana sina Karylle at Yael

Ervin Santiago |February 02,2018
facebook
share this

Zsa Zsa atat nang maging lola, ipinagdarasal na magkaanak na sana sina Karylle at Yael

Ervin Santiago - February 02, 2018 - 12:05 AM

ZSA ZSA PADILLA

MUKHANG atat na atat nang maging lola ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.

Siguradong nape-pressure na ngayon ang anak niyang si Karylle at asawa nitong si Yael Yuzon matapos ibandera ni Zsa Zsa na gusto na niyang magkaroon ng bagong baby na aalagaan.

“Siyempre ipinagdarasal ko ‘yan. Tanggap na tanggap ko nang maging lola,” chika ng Divine Diva na mas kilala ngayon bilang Red Dragon dahil sa karakter niya sa seryeng Wildflower.

Nang tanungin kung bakit wala pa ring anak sina Karylle at Yael, ito ang sagot ng singer-actress, “I think they are working on it, ‘yan ang alam ko lang, they are working on it so I hope it happens and I am praying.”

Gusto raw ni Zsa Zsa ng lalaking apo, “I wanted a boy kasi kokonti lang ang boy sa family ng Padilla.

Alam n’yo ba na iisa lang ang pamangkin kong lalaki, iisa talaga. Lahat kami puro babae. So si Dolphy natuwa di ba kasi babae naging anak namin dahil siya naman puro lalaki.”

E, siya ba gusto pa niyang magkaroon ng anak sa boyfriend niyang si Conrad Onglao, “Wala na, matagal na, 46 pa lang give up na. I got menopause at 46, very early.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending