ITINANGGI ni Sen. Grace Poe ang maling mga artikulo na kumakalat sa online na isinusulong niya umano na ipagbawal ang Facebook sa Pilipinas.
“Iyan ang fake news. Hindi totoo ‘yan. First of all, that’s counterproductive… Mali. ‘Yun talaga ang disinformation,” sabi ni Poe.
Ito’y sa harap naman ng pagsi-share ng mga account na kilalang sumusuporta sa administrasyon ng mga istorya na nag-aakusa kay Poe na ipagbabawal na ang Facebook sa bansa.
“Yung mga lumabas [sa social media], syempre hindi natin pipigilan. Ako mismo nasa Facebook, yung mga anak ko nasa Facebook, marami sa ating mga kababayan ang kumukuha ng balita mula sa Facebook,” dagdag nj Poe.
Matatandaang si Poe, chairman ng Senate committee on public information and mass media, na namuno sa pagdinig kaugnay ng pagkalat ng fake news sa bansa.
Kabilang sa pinuna ni Poe ay si Communications Assistant Secretary Mocha Uson kaugnay ng patuloy na pagba-blog sa kabila ng pagiging mataas na opisyal ng gobyerno.
Sinabihan pa ni Poe na dapat ay i-shutdown na lamang ni Uson ang kanyang blog o manatili na lamang aa pribadong sektor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.