10-anyos di binigyan ng pang-computer games, nagbigti | Bandera

10-anyos di binigyan ng pang-computer games, nagbigti

John Roson - January 31, 2018 - 04:25 PM
Nagbigti ang 10-anyos na batang lalaki sa San Jose, Occidental Mindoro, dahil umano hindi binigyan ng perang panlaro ng computer games, ayon sa pulisya. Natagpuan na lang na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay ang bata, dakong alas-7:30 ng gabi Martes, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police. Dinala pa sa San Jose District Hospital ang bata, na isang grade 4 pupil, ngunit idineklarang patay ng doktor. Agad nagtungo ang mga miyembro ng San Jose Police sa naturang pagamutan nang maiulat sa kanila ang insidente, ani Tolentino. Napag-alaman na bago ang insidente’y humingi ang bata ng pera sa kanyang ina upang makapaglaro ng computer games, pero tumanggi ang huli, aniya. Ito ang pinaniniwalaang dahilan ng pagbibigti ng bata, ani Tolentino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending