'Obligasyon mong magbitiw para magampanan ng mas magaling sa 'yo ang posisyon mo!' | Bandera

‘Obligasyon mong magbitiw para magampanan ng mas magaling sa ‘yo ang posisyon mo!’

Alex Brosas - January 28, 2018 - 12:20 AM

THERE are people defending Mocha Uson who said na minor mistake lang ang recent GAFFE nito when she said na nasa Naga City ang Mayon Volcano.

To this, Abdon M. Balde, Jr., commissioner at Komisyon sa Wikang Filipino, reacted and posted this on his Facebook account.

“Hoy! Kayong nagsasabing minor mistake ang paglagay sa Mayon sa Naga, hindi pagkaperpekto ang pinag-uusapan dito kundi incompetence o simpleng katangahan:

“1. Pitong araw nang pumuputok ang Mayon;

“2. Pitong araw nang laman ng local at international news and TV ang pagputok ng Mayon;

“3. Asec of Communications ka, at public information ang responsibilidad mo;

“4. Mahigit sampung ulit ang taas ng sweldo mo sa karaniwang government employee;

“5. Buwis ng taong-bayan ang pagsuweldo at ginagastos mo sa opisina at biyahe;

“6. Responsibilidad mong patunayan na hindi porke’t malakas ka lang sa Pangulo kaya ka nasa posisyon mo;

“7. Obligasyon mong magbitiw sa tungkulin upang ang posisyon mo ay magampanan ng mas mahusay at mas magaling sa iyo.

“Hindi mo alam kung nasaan ang Mayon?

“At kayong nagtatanggol sa kanya: pinuprotektahan nyo rin ba ang sariling katangahan para kung magkamali kayo ay sasabihin nyo ring minor mistake at hindi kayo perpekto?”

This should make people defending Mocha realize the gravity of her mistake.

You nailed it, Mr. Balde. Marami kasing tanga sa bansang ito kaya kahit nagkamali na ay ipinagtatanggol pa. Palaging may palusot, palaging may alibi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mocha should think before she opens her mouth. ‘Wag siyang kuda nang kuda dahil ito ang dahilan kung bakit siya pinagtatawanan.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending