Miguel may bonggang sorpresa para sa debut ni Bianca
HABANG tumatagal ay parami nang parami ang naaadik sa GMA Telebabad series na Kambal Karibal na pinagbibidahan ng isa sa pambatong loveteam ng Kapuso Network, sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang makulay, maintriga at madramang kuwento nina Crisan (Bianca) at Diego (Miguel) kaya naman gabi-gabi na itong wagi sa ratings game.
In fact, kung gaano katindi ang galit ni Crisel (Pauline Mendoza) na nasa katawan ngayon ni Cheska (Kyline Alcantara) kay Crisan, ganu’n na rin katindi ang suportang tinatanggap ng serye mula sa Kapuso viewers all over the universe. Hindi maikakailang ang Kambal, Karibal ang dramang kinakagat ng buong bayan!
Samantala sa pagpapatuloy ng kuwento ng KK, lahat ay gagawin ni Crisel para lang manatili siyang buhay. Ngunit, ang kapatid niyang si Crisan, labis na ang pag-aalala. Pinakiusapan pa niya ito na itigil na ang pagpapanggap.
Bibigyan niya ng babala si Geraldine (Carmina Villaroel) dahil sa kakaibang ikinikilos ng kinikilala niyang Cheska. Dahil dito, mas lalalim pa ang hidwaan ng magkapatid.
Magkabati pa kaya ang dalawa? Abangan ang mas marami pang nakakaloka at nakaka-shookt na twists and turns sa Kambal Karibal after Sherlock Jr, sa GMA Telebabad.
Samantala, kahit busy sa trabaho, sinisiguro nina Miguel at Bianca na may time pa rin sila para makapag-bonding at magawa ang mga bagay na pinagkakasunduan nila. Kamakailan nga lang ay sabay silang umakyat sa bundok.
“Yung pagha-hiking namin ni Bianca, ginawa talaga namin yun para ma-experience namin together. Quick getaway namin yun kasi, magpa-Pasko nu’n, first time naming ginawa,” sey ni Miguel sa isang panayam.
Nang natanong kung may plano na siya para sa debut ni Bianca ngayong Marso, “Hindi ko sasabihin. Surprise yun siyempre!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.