Pacman bumuo ng sariling liga ng basketball, paghahanda na raw sa presidential elections | Bandera

Pacman bumuo ng sariling liga ng basketball, paghahanda na raw sa presidential elections

Jun Nardo - January 27, 2018 - 12:15 AM


BIDANG-BIDA si Sen. Manny Pacquiao sa opening ng bagong liga ng basketball nu’ng Huwebes, ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Araneta Coliseum.

Ito ‘yung nabalitang basketball league na kanyang binuo para makatulong sa ngangang players na hindi maka-penetrate sa PBA at iba pang amateur and professional leagues.

Ang kaibahan ng MPBL, hindi kumpanya o produkto ang pangalan ng kanilang team kung di mga lugar gaya ng naglaban nu’ng opening, Caloocan at Parañaque ang ni-represent nila. May 10 teams ang sumali sa ligang ito. Bilang bonus sa manonood, nagpa-raffle ng motorsiklo sa half time ng game.

Sa pagkakaroon ng MPBL, lalong umingay ang ispekulasyon na bahagi ng preparasyon ni Pacman ang pagtataguyod ng liga para sa susunod na mas mataas na puwesto niyang tatakbuhan sa election, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending