RAYMART, CLAUDINE mahal pa rin ang isa’t isa, posibleng magbalikan | Bandera

RAYMART, CLAUDINE mahal pa rin ang isa’t isa, posibleng magbalikan

Ervin Santiago - June 21, 2013 - 04:57 PM

Narito naman ang mga mangyayari sa pagpapatuloy ng kuwento sa inaabangan n’yong GMA TeleBabad series na Home Sweet Home bago mag-24 Oras starring Raymart Santiago, Roxanne Guinoo, Jillian Ward, Rochelle Pangilinan, Celia Rodriguez, Gladys Reyes at marami pang iba.

Nakaupa na nga ng bagong bahay ang pamilya ni Reden. Payak pero home sweet home naman kaya magiging maganda ang vibes nito sa pamilya. Iniwan naman ni Gabby si Lucy para siya ang kumuha ng susi. Makakagat ni Benjie si Dayne. Palala ang pagiging aso niya. Masasampal na ni Dulce si Wendy.

Pupunta sila Dulce kay Duarte pero ipapahabol sila sa aso ni Agoncilla. Makukuha ni Gabby ang susi at maibibigay kay Lucy. Pero biglang magiging kuba at negra si Lucy. Samantala, marami pa rin ang umaasa na magkakabalikan pa sina Raymart at Claudine Barretto.

Ilan sa mga kaibigan nila ang nagsasabi na mahal pa rin naman daw ng nagkahiwalay na mag-asawa ang isa’t isa.
Sey nga ng isang source natin, malambot ang puso ni Raymart, kahit na ilang beses na silang nag-away ni Claudine, palagi lang niya itong napapatawad.

Pero nitong huli silang magkaproblema, hindi na yata nakayanan ni Raymart ang asawa kaya nagdesisyon nang umalis sa bahay nila. Pero umaasa nga ang kanilang mga friends na magkakaayos din ang dalawa very, very soon. Kaya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending