Kahit na unano basta matino | Bandera

Kahit na unano basta matino

Ramon Tulfo - January 23, 2018 - 12:10 AM

NAGPAPAHANGIN at nakikipag-usap si Dindo dela Cruz, 16 anyos, estudyante, sa kanyang mga kaibigan sa kalye noong isang linggo sa Taguig, Metro Manila.

Nakarinig sila ng putok at nakaramdam si Dindo ng hapdi at pamamanhid sa kanyang likod.

Nang hipuin ng binatilyo ang kanyang likod, may dugo!

Agad siyang tumakbo paalis sa lugar.

Hinabol sila ni PO1 Arnisah Acmad Sarip ng Pasay City police station na hawak ang kanyang baril.

Hinuli si Dindo ni Sarip at dinala sa presinto, pero kinuha ang binatilyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil siya’y menor de edad.

Nasa ospital ngayon si Dindo at hindi pa niya malaman kung bakit siya binaril ni Sarip.

Sinabi ng policewoman na siya’y hinoldap ni Dindo at inagaw pa ang kanyang cellphone.

Hawak daw ni Dindo ang isang pen gun o yung pen na may balang .22 caliber.

Pinaniwalaan naman ng inquest prosecutor ang policewoman at sinampahan ng mga kasong robbery, direct assault at attempted homicide.

May pagkatanga ang prosecutor dahil naniwala siya kay PO1 Sarip.

Paano hoholdapin ng isang batang 16 anyos ang isang pulis na nakauniporme? Aber!

Nang siya’y hinoldap daw ni Dindo, the policewoman was in full uniform.

Sinabi ng inyong lingkod kay PO1 Sarip na sino naman ang gagong kriminal na manghoholdap—of all people!—ng isang pulis na nakauniporme?

Pagpalagay na nating hinoldap nga ng bata ang pulis at tumakbo matapos nitong makuha ang kanyang cellphone, bakit niya binaril pa sa likod?

The boy no longer posed a threat to Sarip’s since his back was already turned on the policewoman.

Bawal na bawal na barilin ang isang suspek sa likod.

Ito naman ang bersiyon ng kaibigan ni Dindo na di ko muna babanggitin ang pangalan for security reasons: May hinahabol si Sarip na snatcher at pinaputukan niya ito.

Ligaw na bala ang tumama kay Dindo.

Pumunta ang kaibigan ni Dindo sa tanggapan ng Isumbong mo kay Tulfo upang ilahad ang “tunay” na pangyayari.

Base sa kuwento ng kaibigan ni Dindo, maaaring inagaw ng snatcher ang cellphone ni Sarip na di niya alam na pulis dahil ito’y sa loob ng dyip at may kinakausap sa telepono, at nasa labas naman ang snatcher.

Nang ma-snatch ang cellphone ni Sarip, hinabol niya ang snatcher at pinaputukan.

Di siya tumama sa kanyang binabaril at ang tinamaan ay ang pobreng si Dindo.

Upang pagtakpan ni Sarip ang kanyang pagkakamali ay hinuli niya ang sugatang si Dindo.

Hirap na hirap at nagkandautal ang pagsagot ni PO1 Sarip sa inyong lingkod nang siya’y makausap ko sa telepono kahapon.
Sinabi niya na nakasampa na ang kaso laban kay Dindo sa husgado at dapat sa korte na lang niya sagutin ang aking mga katanungan.

Binalaan ko si Sarip na may sabit siya sa pagkakabaril kay Dindo at hindi namin siya tatantanan hangga’t di mabigyan ng hustisya ang bata.

***

Inalis na ang height requirement sa mga aplikante sa pagkapulis.

Kasi ang minimum height para sa lalaking aplikante ay 5’4” at sa babae naman ay 5’2”.

In other words, kahit na unano ay puwede nang tanggapin sa Philippine National Police (PNP).

Di bale nang unano kung matino naman kesa mga taong may normal height pero utak kriminal naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karamihan sa mga bagong pulis —mga may ranggong PO1 at PO2 at sa opisyal naman ay Inspector—ay mga abusado at kotongero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending