Nagsakit-sakitan lang ang matandang Ampatuan | Bandera

Nagsakit-sakitan lang ang matandang Ampatuan

- December 08, 2009 - 02:24 PM

IPINOPROTESTA ni Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. at ng kanyang kamag-anakan ang pagkakalipat niya sa military hospital sa loob ng kampo galing ng Davao Doctors Hospital. Na-ospital ang matandang Ampatuan matapos niyang inireklamo ang pananakit ng dibdib matapos siyang arestuhin sa kanyang mansion sa Maguindanao. Huwag sanang maniwala ang mga awtoridad na ilipat si Ampatuan muli sa Davao Doctors o sa St. Luke’s Medical Center sa Maynila dahil nag-aarte lang yan. Sumakit ba ang kanyang dibdib matapos niyang mabalitaan ang pagkakapatay ng 57 katao, kabilang ang 30 journalists, sa Ampatuan, Maguindanao? Kung mamatay ang matandang Ampatuan dahil sa kanyang pagkukunwaring siya’y may sakit, problema na niya yun. Kung ang ibang detainee o preso na tunay na may karamdaman ay hindi pinapaospital at hinahayaan na lang mamatay sa kulungan, bakit naman kailangang ipaospital si Ampatuan na nag-aaarte lamang?

* * *

Kung mamamatay ang matandang Ampatuan sa kanyang pagkukunwaring may sakit siya, maraming mga tao na matutuwa hindi lamang sa Maguindanao kundi sa buong bansa. Ang mananangis lamang siguro ay ang Pangulong Gloria na madikit na madikit sa mga Ampatuan.

* * *

Nakita ng taumbayan kung gaano kayaman ang mga Ampatuan nang ipakita sa TV news ang kanilang mga mansion at iba’t ibang ari-arian. Paano yumaman ang mga Ampatuan gayong lublob sa kahirapan ang Maguindanao? May nakapagsabi sa akin na sa isang mansion ng mga Ampatuan, may vault na punong-puno ng pera. Ang vault ay sinlaki ng isang sala ng isang medium-size na bahay. May palagay akong hindi lang pangungurakot sa kaban ng bayan ang ginawa ng mga Ampatuan. Maaaring sangkot sila sa droga.

* * *

Bakit nagkaroon ng mga ammunition boxes na may markang Department of National Defense (DND) na nahukay sa mga lupaing pag-aari ng mga Ampatuan? Sino sa DND o sa Armed Forces ang nagbigay sa mga Ampatuan ng bala na puwedeng magamit ng dalawang batalyon (1,000 sundalo)? Bakit maraming sophisticated weapons ang mga Ampatuan? Saan nila gagamitin ang mga ito? Siyempre, hindi magkakaroon ng mga sophisticated na armas at pang-batalyon na mga bala, at armored vehicles ang mga Ampatuan kung hindi sila binigyang pahintulot ni Pangulong Gloria. Di naman makaangal si GMA sa pagtatag ng mga Ampatuan ng private army at pagkamit ng maraming modernong sangkap panggiyera dahil malaki ang utang na loob ni Gloria sa kanila. Biruin mong ma-zero si Fernando Poe Jr. sa Maguindanao noong 2004 election samantalang dinodiyos ng mga Muslim si FPJ!

* * *

Di na natuto si GMA sa mga ugali ng mga Moro. Kapag binigyan mo raw ng iyong daliri ang Moro, kukunin niya pati ang lahat ng iyong braso. At dahil mga Moro ang mga Ampatuan, ganoon ang ginawa nila kay GMA.

* * *

Ngayon lang nangyari sa buong mundo ang wholesale na pagpatay ng mga journalists sa isang pagkakataon. Biruin mong 30 mamamahayag ang pinatay, samantalang sa ibang magugulong lugar sa mundo ang napapatay na journalists isa-isa o dala-dalawa habang ginagawa ang kanilang trabaho! Nakita kasi ng mga Ampatuan na hindi iginagalang ng administrasyon ni Gloria ang mga journalists. Kung hindi lang na-heart attack ang matabang asawa ni Gloria na si Mike Arroyo, baka hindi tumigil ito sa kakademanda ng mga reporters, editors at columnists na bumatikos sa kanya. Sa panahon lang ni GMA na pinosasan ang mga journalists na inaresto habang ginagawa ang kanilang tungkulin na ibigay ang balita sa taumbayan noong siege sa Manila Peninsula.

Mon Tulfo, Target ni Tulfo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

BANDERA, 120809

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending